ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chasters, masayang binati si Charice sa kanyang ika-20 kaarawan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kabila ng kontrobersiya sa Twitter kung saan ginamit sa hindi magandang paraan ang pangalan ng kanilang idolo, nanatiling positibo ang mga Chasters, tawag sa mga fans ng international Pinay singing sensation na si Charice, sa pagbati sa ika-20 na kaarawan ng kanilang idolo ngayong Huwebes, Mayo 10.   Pumutok kahapon, Mayo 9, ang #CharicePempengcoSexTape na nag-trending sa Twitter, isang social networking site. Sinimulan ng mga DJ na sina Mo Twister (Mohan Gumatay sa totoong buhay), Mia Bayuga, at Tin Gamboa ang paglagay ng naturang hashtag sa Twitter bilang isang biro.   Hindi nagustuhan ng singer ang ginawa sa kanya ng mga DJs ng  Magic 89.9 sa Good Times with Mo. Bagaman agad humingi ng paumanhin ang mga Dj sa ginawa nilang pagbibiro, suspendido ang kanilang radio program ng dalawang linggo dahil sa nangyari. Ganunpaman, masayang binati ni Charice ang kanyang mga fans, na karamihan ay maganda rin ang ipinaabot na mensahe sa kanya sa Twitter.

- Mac Macapendeg/YA, GMA News Â