We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Itinanghal ang modelong si Sandra Seifert bilang Philippines' Sexiest Vegetarian Celebrity ngayong 2012 ng animals rights group na People for Ethical Treatment of Animals Asia-Pacific (PeTA). Ang pagkakapili kay Seifert ay batay sa isinagawang online voting ng PeTA sa PeTaAsiaPacific.com Kasama rin sa mga pinagpiliang celebrities sina Alicia Mayer, Chin-chin Gutierrez ,Geneva Cruz, Maricel Laxa-Pangilinan, RJ Ledesma, at mga Kapuso star na sina Yasmin Kurdi at Raymond Bagatsing. Ang singer na si Aya Lui ang itinanghal na Asia's Sexiest Woman Vegetarian, habang ang singer-songwriter na si Khalil Fong ang Asia's Sexiest Man vegetarian. Noong 2009, nanalo si Seifert bilang Miss Philippines-Earth at siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth International competition. Sa naturang paligsahan, nakuha ni Seifert ang karangalan bilang Miss Earth Air (first runner-up). Sa kanyang ads para sa PeTA, pininturahan ang kanyang katawan katulad ng mundo na may tagline na, "Save the Planet, Go Vegetarian." “Ang pagpapalaki ng hayop para gawing pagkain ay may napakasamang epekto sa ating kapaligiran," ayon kay Seifert. “Sa dami ng mga alternatibo para sa karne, napakadali nang tamasahin ang masasarap na pagkain habang nakakatulong sa mga hayop at sa daigdig," dagdag niya. Binigyan-diin ni Seifert na ang pagiging vegetarian ang pinaka-mahusay na gawain para makatulong sa mga hayop, sa daigdig, at sa kalusugan. – Mac Macapendeg/FRJ, GMA News