Regine, Ogie to finally admit romance?
Philippine Entertainment Portal
Maliban sa Sunday musical variety show na SOP sa GMA-7, walang concert o ibang shows na ginagawa ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Nami-miss na nga raw ng singer-actress-TV host niya ang pagko-concert. Kaya nang i-offer nina Allan K at Lito Alejandria, may-ari ng Klownz Angeles, na mag-concert siya roon sa lahat ng Saturdays of January 2007, hindi tumanggi si Regine. Kagabi, January 6, nagsimula ang Reign & Shine, The Repeat @ Klownz Angeles ni Regine, with Ogie Alcasid as her special guest. Ayon kay Regine, pinaghandaan daw niya raw talaga ang concert na ito. May special gift din siya sa mga manonood dahil magbibigay siya ng free album ng Till I Met You soundtrack mula sa kanyang IMusic Records. Walang Valentine concert this year si Regine dahil nagsimula na siyang mag-shooting ng movie nila ni Piolo Pascual, na may working title na Fallin'âco-production venture ng Viva Films at Star Cinema, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. May location shooting sila sa mga beaches sa La Union and Batangas, pero sa Metro Manila muna sila unang magsu-shooting. It seems naiinip na rin si Regine na wala pang ginagawa dahil pagkatapos ng first shooting day nila noong December 19, hindi pa ulit sila nag-shoot para palampasin ang Christmas holidays. Tentative pa rin ang schedule nila ng shooting sa Tuesday, January 9, sa Sampaloc, Manila, dahil Feast of the Black Nazarene sa Quiapo ng araw na âyon. During the Cheers to '07 New Year countdown ng GMA-7 sa Rajah Sulayman Park, Roxas Blvd, Manila, ay huling-huli sa kamera ang yakapan nina Regine at Ogie. Sa isang interview ay sinabi ni Ogie na friendly hug lang daw yun, pero may aaminin daw siya ngayong Year of the Pig. Hindi man direktang binanggit ni Ogie kung ano ang kanyang aaminin, marami ang nagpapalagay na ito ay ang nababalitang relasyon nila ng Asia's Songbird. Matagal na rin kasing palaisipan kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon ni Ogie at ng Australyanang si Michelle van Eimeren. Marami ang nagsasabi na hiwalay na talaga sina Ogie at Michelle at may boyfriend na raw ang dating 1994 Miss Universe candidate sa Australia. As for Ogie, siya raw ang tinutukoy ni Regine na boyfriend niya for four years now na ang code name ay "George." May aminan nga ba talagang mangyayari ngayong taon? Abangan! - Philippine Entertainment Portal