ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dasal para kay Dolphy, dumagsa sa Twitter
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ibalitang kritikal ang lagay ngayon ng Comedy King na si Dolphy, bumuhos ang panalangin para sa kanyang paggaling sa social networking site na Twitter nitong Miyerkules. Una rito, sinabi ni actor-director na si Eric Quizon, anak ni Dolphy, na lumubha ang kalagayan ng kanyang ama na nakaratay ngayon sa Makati Medical Center. Bagaman gumaling na umano ang pulmonya ni Dolphy, sinabi ni Eric na naapektuhan naman ang kidney nito dahil na rin sa dami ng gamot na ibinigay sa kanya. Unang isinugod sa ospital si Dolphy noong Sabado, Hunyo 9, matapos dumaing na nahihirapan siyang huminga. Nauna nang nagpahayag ng pagsasalamat ang pamilya ni Dolphy sa mga suporta at panalangin na ibinibigay sa beteranong aktor. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
Tags: dolphy, nationalartist
More Videos
Most Popular