advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebrities running for office in Eleksyon 2013


Ilang buwan na lang at eleksiyon na naman. At gaya ng mga nagdaang halalan, asahan na mayroong mga celebrity na susubukan muli ang ningning ng kanilang bituin sa balota. Nuong nakaraang 2010 presidential elections, 16 sa tinatayang 100 celebrities (artista, singer, beauty titlist, news reporter, broadcaster o anchor, at sports figures)  ang tumakbo sa national position gaya ng pagka-pangulo, bise presidente at senador.   Sa naging panayam noong 2010 kay Prof. Luis Teodoro, dating dean ng UP College of Mass Communication at director ng Center for Media Freedom and Responsibility, inihayag nito na dumarami ang artistang pumapasok sa pulitika dahil na rin sa masamang kalagayan ngayon ng movie industry. Bukod dito, nakakasilip ng pagkakataon ang mga celebrity na subukan ang pulitika dahil na rin sa pagkakaroon ng "frustration" ng publiko sa pagpili ng mga karaniwang "pulitiko" na kanilang inihalal. (Basahin: Celebrities seeking posts in the May 10 polls) “The reason why celebrity candidates get elected is because of the frustration of the people. May mga nahalal nang abogado, mga may pinag-aralan pero ganun din naman, eh ‘di dito na lang ako sa kilala ko, pareho-pareho lang naman,” paliwanag ni Teodoro. “I think stars have limited options," aniya. "There’s a decline in the movie industry so they go on TV or politics. Tingin nila kasi madali lang manalo dahil sa pangalan. On the psychological aspect, I think gusto nilang laging nasa limelight."   Ilan sa mga pinalad na manalo noong 2010 elections ay sina Sens Ramon “Bong" Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Tito Sotto at Lito Lapid. Minalas naman sina dating Pangulong Joseph Estrada, na natalo kay Pangulong Noynoy Aquino III, si Edu Manzano na tumakbong bise presidente, si Cesar Montano na bigong maging gobernador ng Bohol, at sina Aiko Melendez, Joey Marquez at Anjo Yllana. (Basahin: Celebrity winners and losers in May 2010 polls) Sa 2013 elections, masusubukan muli kung tatabo sa baloto ang mga artistang pumatok sa takilya.
LOADING CONTENT