ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne San Jose, may bagong YouTube hit


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
May bagong hit music video na kumakalat sa Internet ang Kapuso pop star at Together Forever leading lady na si Julie Anne San Jose. Ang music video ni Julie Anne para sa awiting "I'll Be There," na bahagi ng kanyang self-titled album ay nagkaroon kaagad ng 42,000 views sa Youtube sa loob lang ng dalawang araw mula nang ma-post ito sa Internet. Labis na ikinatuwa ng mga tagahanga ng teen star ang naturang music video na unang nasilayan nung Linggo ng gabi. Nakakuha agad ito ng atensiyon at mga positibong reaksyon mula sa mga manonood. Ang naturang music video ay pinamahalaan ni Direk Mark Reyes. Masayang-masaya si GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abogar dahil sa kasikatan ni Julie Anne hindi lamang sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa buong mundo, “Julie Anne has once again proven her virality online. Her previous video on YouTube has so far garnered close to 15 million views and now we’re looking at thousands of views on her new music video, which was uploaded just the other night. She truly is a singing sensation not just on TV and but also on the worldwide stage offered by the internet," ayon kay Atty. Annette. Naniniwala naman ang direktor ng naturang MTV na si Julie Anne ang magiging 'next big music sensation.' Nagpahayag din ng kasiyahan ang katambal ni Julie Anne na si Elmo Magalona sa nakakamit na tagumpay ng dalaga sa kanyang music career. Mapapanood din sina Julie Anne at Elmo sa Sunday party show na Party Pilipinas sa GMA-7. -- GMANetwork.com