ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eric Quizon, nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanyang pumanaw na ama


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpasalamat ang pamilya Quizon sa mga patuloy na nagdarasal para sa kanilang pamilya at sa yumaong Comedy King na si Rodolfo 'Dolphy' Quizon. Sa panayam kay Eric Quizon ni Lhar Santiago sa Unang Balita, inihayag niya ang kasiyahan sa dami ng nagmamahal sa kanyang pumanaw na ama nitong Martes ng gabi. "Maski wala kaming mga tulog, kumbaga 'yong adrenaline namin is pumped na parang nandito, ang daming taong nagmamahal sa Daddy ko. Ang daming nagbibigay ng kanila ng mga support," ayon sa actor-director na si Eric. Labis ang pasasalamat niya sa mga taong hindi tumigil sa pagdarasal para maduktungan ang buhay ng kanyang ama. "Naniniwala talaga ako na 'yong time na 'yon, simula nang humingi ako ng dasal four weeks ago, natupad. Kumbaga parang binigay sa amin ng Diyos 'yong time na 'yon na makasama namin ang Daddy ko," pahayag niya. "Nagkaroon kami ng bonus time or nagkaroon ng extension ang buhay niya dahil ang gusto talaga niyang makita, na makita niya na kaming pamilya ay nagkaka-isa," dagdag ni Eric. Sinabi ni Eric na humuhugot ng lakas ang pamilya Quizon sa isa't-isa at patuloy silang nagpapakatatag sa gitna ng matinding pagsubok na hinaharap nila ngayon. "Ang maganda lang kasi sa pamilya naming, madami kami. So maraming nasasandalan, maraming naaakbayan. Maraming nayayakap, maraming nagko-comfort sa iyo," patuloy niya. "So, kumbaga parang may spare parati. Kung may magiging emotional merong magco-comfort sa iyo. At kapag 'yong isa naman ang na-down o naging vulnerable, meron naman isang papasok para magcomfort din doon sa tao na 'yon," ayon pa kay Eric. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News