ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Katrabaho at kamag-anak ni Dolphy, naki-isa hanggang sa kanyang huling hantungan
By MAC MACAPENDEG, GMA NEWS
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dumalo ang mga kaibigan, kamag-anak, at mga dating nakatrabaho ng comedy king na si Rodolfo 'Dolphy' Quizon para sa kanyang libing sa Heritage Park, Taguig City nitong Linggo, Hulyo 12, 2012 na nagsimula nitong 1:45 ng hapon.
Magkakatabi ang mga nakatrabaho ng comedy king na sina Nova Villa, Maricel Soriano, Eddie Garcia, Ricky Davao, Carmi Martin, at Roderick Paulate.
May ilang pang mga artista at mga kilalang personalidad ang nagbigay pugay kay Dolphy na nagbigay naman ng saya at luha sa mga tao. Ayon pa sa mga artista, isa siyang institusyon sa industriya ng showbiz.
Ayon kay John ‘Sweet’ Lapus, “Siyempre, I will miss him. We will all miss him. Isa ako sa mga tao that will honor his request na kapag sinabi ang pangalang ‘Dolphy’ dapat nakangiti tayo or more so, tumatawa.
“Bilang komedyante, promise natin sa kanya ‘yan that we will continue his legacy by giving laughter to the Filipino people.”
Gayundin, sa isang naunang panayam ni Jessica Soho kay Mang Dolphy, sinabi ng aktor na nais nitong maalala siya ng mga tao ng may ngiti sa kanilang mga mukha.
Nagbigay din ng mensahe ang isa sa mga “Angels” ni Dolphy na si Carmi Martin. Aniya, “Well, sana ano, may he joyfully rest in heaven. And siyempre to the family to be comforted and to healed from their loneliness. Sana mapalitan ‘yon na that they will be able to, you know, na talagang lahat tayo papunta roon.”
Kwento pa ni Carmi, talagang si Dolphy ang tumulong sa kanyang maging isang artista at nagpapasalamat ito na nakilala at nakasama niya ang yumaong aktor.
Nagpapasalamat din si Carmi dahil si Mang Dolphy ‘yong isa sa mga dahilan kung bakit marami itong nailimbag na mga pelikula dahil isa siyang RVQ talent.
Dagdag pa nito, hindi rin daw niya kailanman malilimutan ang pagiging ‘humble’ ng comedy king.
Bukod dito, tumatanaw si Carmi ng utang na loob dahil ipinagkaloob sa kanya ang napakabait na artista, tatay, at kaibigan na si Dolphy.
"Sa mga ginagawa naming pelikula, syempre masaya lahat. Sa set niya, laging may katatawanan," kwento ni Eddie Garcia, isa sa mga malapit na kaibigan at nakatrabaho ni Dolphy.
"Syempre malungkot, pero ganyan talaga ang buhay, una-unahan lang 'yan," pabiro niyang sinabi.
"Ika nga, there are two things in life you can not escape: death and taxes," dagdag niya.
Sama-sama ang mga dating nakatrabaho ni Dolphy na nagbigay-pugay at nakiramay sa nag-iisang Hari ng komedy ng Pilipinas.
Naging mataimtim at sagrado ang naturang paglibing sa comedy king. Sa naturang seremonya, naging emosyonal ang mga anak ni Pidol
Mayroong letrang "D" na gawa sa mga puting bulaklak sa puntod ni Dolphy. Maliban dito, may mga litrato rin ang comedy king na nakahanay sa kanyang libingan.
Pumanaw ang comedy king noong Martes, Hulyo 10, 2012 dahil sa kanyang pulmonya at iba pang organ failures.
Unang isinugod sa ospital ang comedy noong Hunyo dahil sa hirap nito sa paghinga.
Isang buwang namalagi ang comedy king sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center. Sumailam sa maraming blood transfusion at dialysis ang comedy king dahil sakit nitong chronic obstructive pulmonary disease na mahigit 6 na taon niya ng karamdaman.
Tunay ngang si Mang Pidol ang isa sa mga tinitingalang artista sa Pilipinas mula pa noong nagsimula ito bilang dancer sa bodaville hanggang sa huling pelikula nito kung saan umani siya ng parangal bilang Best Actor sa Metro Manila Film Festival.
Sa mahigit na 200 na pelikulang kinabilangan ng comedy king, tunay ngang hindi mawawari sa isip at puso ng mga nakatrabaho, tagahanga, at mga kamag-amak ni Dolphy ang maksasayang kontribisyon niya industriya ng showbiz. — DVM, GMA News
Tags: dolphy
More Videos
Most Popular