ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Julie Anne, sinurpresa ni Elmo sa kanyang fans day


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi makapaniwala ang young Kapuso diva na si Julie Anne San Jose sa dami ng tao na pumunta sa kanyang Grand Fans’ Day na ginanap kamakailan sa SM City North EDSA Skydome. “Sobrang nakakatuwa kasi andami nila ngayon, hindi ko inakala na ganito karami ang pupunta so masaya ako. Siyempre nagpapasalamat din ako sa kanila for coming," pahayag ni Julie Anne sa interview sa backstage. Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila sa labas ng venue, isang indikasyon na sikat na sikat na nga ang dating Popstar Kids finalist. Hindi napigilan ng ulan ang pagdagsa ng kanyang mga fans na excited ng marinig ang mga kanta sa kanyang album na malapit ng i-release under GMA Records. “Ang album ko is self-titled, it’s called Julie Anne San Jose. It has ten tracks, yung iba dun original songs, meron din akong revivals. Then may bonus track which is Bakit Ba Ganyan?" kwento ni Julie, “Yung mga song dun different genres, and that album would be very me. Pinaghahandaan na rin po namin yung release ng album." Kinanta ni Julie Anne ang ilan sa mga song na kasama sa kanyang album, including ang kanyang isinulat na Baby You Are at ang theme song ng Lie To Me na I’ll Be There. Narinig din ng mga fans ang kanyang version ng Jimmy Bondoc hit na Let Me Be The One. Umapaw naman ang kilig at napuno ng tili ang buong Skydome nang lumabas ang ka-love team ni Julie Anne na si Elmo Magalona. Nangyari ito habang kinakanta ng dalaga ang Bakit Ba Ganyan? Lalo nilang pinasaya ang audience when they sang 'Girl Be Mine', originally sang by Elmo’s dad, the late Francis M. Higit pang lumakas ang sigawan when Elmo suddenly got down on one knee while singing the song’s last line. Pagkatapos ng kanilang performance, nagkaroon ng pagkakataon ang press na tanungin si Elmo tungkol sa kanyang surprise kay Julie Anne. “Naisip ko lang na pumunta rito para i-surprise ang mga tao at si Julie. I’m very proud na ang layo na ng narating niya, yung album niya lalabas na, so I’m very happy for her," pahayag ni Elmo with a smile. Nagulat naman si Julie Anne sa biglang pagdating ng binata. “I’m quite surprised din kasi ‘di ko alam na pupunta siya. Nagtataka rin ako bakit nagtitilian ang mga tao in the middle of the song? Yun pala, andun pala siya," masayang paliwanag niya. Hindi na rin daw makatulog ang dalawa sa nalalapit na showing ng kanilang movie na Just One Summer. “Siyempre kinakabahan din kami, at the same time super excited dahil sa wakas mapapanood na namin ang mga sarili namin on the big screen. Matagal na rin kasing pinaghahandaan ang movie na ‘to and finally mapapalabas na siya, mapapanood na siya ng mga tao," excited na sagot ni Julie Anne. Very proud naman ang kanyang ka-love team. “Sana talaga magustuhan ng mga tao kasi maganda talaga siya at marami silang makukuha (na lesson) sa movie. Kahit kami sobrang happy kami na nagawa namin ang movie na ‘to," ayon kay Elmo. Mapapanood sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona sa Party Pilipinas tuwing Linggo ng tanghali, at sa Together Forever, Saturdays after Startalk TX. Abangan din ang kanilang pelikulang Just One Summer na mapapanood na simula August 15. Samahan din sila sa kanilang pagbabalik live chat on August 7, Tuesday, from 2:30 p.m. to 4:30 p.m. Log on to gmanetwork.com/livechat for more details. -- GMANetwork.com