We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilang sa ating mga kababayan ang nagpaabot na ng kanilang tulong sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga sinasalanta ng malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng Luzon. Tuluy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng pledges through the Operation Bayanihan Telethon ng Kapuso Foundation. Isang kompanya ang nag-pledge ng isang milyong piso nitong August 7, habang mayroon ding mga nagdala ng relief goods sa tanggapan ng Kapuso Foundation katulad ng mga pagkain, unan, kumot, at iba pang gamit. Para sa mga nais makibahagi sa Operation Bayanihan, tumawag lamang sa Telethon hotline 981-1950 o sa Kapuso Foundation hotline 928-4299. Bukas ang aming linya mula 6 a.m. hanggang 9 p.m. Kabilang sa mga Kapuso artists na nakikilahok sa Telethon last August 7 ay sina Kuya Germs, Raymond Bagatsing, Betong, Ken Chan, at Mikoy Morales. Maaari namang dalhin ang mga materyal na donasyon tulad ng ready-to-eat food, bigas, pagkaing de-lata, bottled water, banig, kumot, at gamot sa tanggapan ng GMA Kapuso Foundation, 2nd Floor, Kapuso Center, GMA Network Drive cor. Samar Street, Diliman, Quezon City. Ang mga cash donations naman ay pwedeng ideposito sa kahit saang branch ng Metrobank, UCPB at Cebuana Lhuillier. Wala pong service fee na ibabawas sa inyong donasyon patungo sa GMA Kapuso Foundation. Para sa iba pang detalye tungkol sa cash deposits, maaaring bisitahin ang link na ito: http://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/pressreleases/2012-08-07/60/Panawagan-mula-sa-GMA-Kapuso-Foundation-Inc. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan. -- Michelle Caligan/FRJ, GMANetwork.com