ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mutya ng Pilipinas 2012, naging emosyonal nang koronahan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Emosyonal na inuwi ni Camille Guevarra sa Pampanga ang koronang tinanggap niya bilang Mutya ng Pilipinas 2012–Asia Pacific International sa katatapos na grand coronation night sa UP Theater sa Diliman, Quezon City noong Linggo.
Alay raw ni Guevarra ang titulo sa kanyang inang matagal nang hindi niya nakikita at kamakailan lang ay na-stroke, ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa "Unang Balita."
"Masayang-masaya po ako kasi alam ko kung nandito po siya, magiging proud po siya [sa akin], so hinihintay ko nalang po 'yong time na pwede na aknog umuwi sa Pampanga para mayakap siya [ang Mama ko]. For one month na hindi ko siya nakita," pahayag niya.
Si Guevarra ang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping Miss Intercontinental Pageant ngayong Disyembre.
Kasama sa mga kinoronahan noong Linggo sina:
1. Mutya ng Pilipinas 2012– Tourism ang Cebuanang Rizzini Alexis Gomez,
2. Mutya ng Pilipinas 2012– First Runner Up Emma Tiglao na mula sa Central Luzon,
3. Mutya ng Pilipinas 2012– 2nd runner Larah Grace Lacap, at
4. Mutya ng Pilipinas 2012– Overseas Communities Maribee Tiburcio, isang Filipino-American.
Masayang nagpasiklaban ang mga magagandang kandidata ng Mutya ng Pilipinas sa naturang coronation night.
Sa ika-44 na taon ng naturang beauty pageant, isa sa mga naging hangarin ng event ang ipagbunyi at ipagdiwang ang kulturang Filipino.
Sa opening number, todo bigay sa performance ang mga kandidata sa pagsayaw nila ng iba't-ibang Filipino dance.
Elegante namang rumampa ang mga Mutya tampok ang kanilang mga long gowns na idinisenyo ng mga Filipino designers.
Itinampok din ng mga kandidata ang kanilang mga beach body figures sa swimsuit portion.
Sa inaabangang question and answer portion naman, umikot ang iba't-ibang tanong ng judges kung paano maipagmamalaki ang bansa. - Mac Macapendeg, VVP, GMA News
Tags: mutya, mutyangpilipinas
More Videos
Most Popular