ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Asia's Songbird Regine Velasquez, magkakaroon ng concert sa Nobyembre


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tila swerte ang taong 2012 para sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez dahil sa dami ng kanyang bagong palabas sa GMA-7.
 
Bukod sa kanyang show na Sarap Diva na nagsimula nang Oktubre 6, Sabado, excited na ibinalita ni Regine sa "Right Now" segment ng Startalk TX na magkakaroon din ito ng concert, “Silver” bilang selebrasyon sa kanyang 25 years sa show business na gaganapin sa Nobyembre.
 
Nang tanungin ito kung ano ang dapat abangan sa kanyang concert, ito ang naging sagot ng Kapuso singer-actress. “Lahat naman kaabang-abang!  Kakantahin ko yung hit songs ko noon sa aking upcoming concert.  Bihira ko namang gawin ‘yong ganun so abangan n’yo,” excited na idinetalye nito.
 
Dahil naging vocal sina Regine at Ogie Alcasid tungkol sa Singapore trip ng kanilang pamilya with Baby Nate and his step-sisters, nagkwento ang mag-asawa kung ano ang mga pangayayari sa kanilang biyahe. 
 
Sa nasabing trip, ito ang unang pagkakataon na naka-bonding ni Baby Nate ang kanyang mga half-sisters na sina Leila at Sarah at gayon din si Michelle Van Eimeren. 
 
“Walang katulad ‘yon at walang kapares! Makikita mo sina Leila at Sarah na giliw na giliw kay Nate. Si Nate naman, ‘pag nakikita niya ‘yong mga kapatid niya, nago-glow ‘yong mga mata niya tapos tawa ng tawa,“ paglalarawan ni Ogie.
 
Hindi rin naiwasan ng Startalk TX na tanungin si Ogie kung kamusta sina Regine at Michelle Van Eimeren during the trip.“Nako! Sila ang laging magkasama kaya ‘di ko alam kung ano ‘yong pinagkukwentuhan nila,” masayang sinabi nito.
 
Ayon pa sa Asia’s Songbird, magkasundo sila ni Michelle at sa katunayan ay sobrang fan ito ng kanyang pagluluto. “Well, si Michelle fan siya ng cooking ko! ‘Iluto mo nga ‘yong ganito at ganyan’ iyon ang madalas niyang sabihin sa akin. Noong pumunta naman ako roon, she taught me how to make onion soup. “
 
Happy beyond words din ang comedian-actor dahil nagkasama-sama at nabuo ang kanyang pamilya sa kanilang bakasyon. “It was really a blessed vacation, and nag-usap kami na sana ay magawa namin ‘yon more often. Para habang lumalaki sina Leila, Sarah at Nate ‘di sila alienated from each other. Sabi ko nga sa kanila, pagtanda namin kayo kayo na lang ‘yan. Kasi kami baka ‘di na kami makakalakad noon so you have to know each other and you have to take care of each other (referring to his daughters).”
 
Abangan ang bagong show ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na Sarap Diva tuwing Sabado, at huwag palampasin ang mga hindi ordinaryong kwento at tsismis na hatid niya sa H.O.T TV tuwing Linggo. GMANetwork.com