ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Rihanna, Bruno Mars, Justin Bieber magtatanghal sa Victoria's Secret Fashion Show
By MAC MACAPENDEG, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakatakdang magtanghal ang Hollywood singers na sina Justin Bieber, Rihanna, at si Bruno Mars bilang musical guests sa papalapit na Victoria's Secret Fashion Show ngayong taon. Ito ay ikinumpirma ng sikat na lingerie brand sa kanilang Twitter account.
Ilan sa mga awiting ipinaksikat ni Justin Bieber ay "Baby," "One Less Lonely Girl," at "Boyfriend." Kilala naman ni Rihanna sa awiting "Where Have You Been," "Umbrella," at "Don't Stop the Music." Ang may dugong Pinoy naman na si Bruno Mars ay kilala sa mga awiting "Marry You," "Runaway Baby," at "Just The Way You Are." Noong nakaraang taon, ang hip hop singer at rapper na sina Nicki Minaj, Kanye West, Jay-Z, at ang bandang Maroon 5 ang nagpasiklab ng kanilang galing sa pag-awit sa nasabing fashion show. Bawat taon, nagsasagawa ang Victoria's Secret ng isang fashion show kung saan binibida ng sikat na supermodels o mas kilala bilang "VS Angels" tulad nina Adriana Lima, Alessandra Ambrosio, Candice Swanepoel, Miranda Kerr, at Doutzen Kroes ang bagong lingerie collection ng nasabing brand. Maliban dito, naglalabas din kada taon ang brand ng one-of-a-kind fantasy bra na nagkakahalaga ng mahigit $1 milyon na mino-model ng isang maswerteng VS angel. Ang dating VS angel na si Heidi Klum ang may pinakamaraming beses na nagsuot ng fantasy bra. Bukod dito, ang Australian supermodel naman na si Miranda Kerr ang nagsuot noong 2011 ng mamahaling bra. — BM, GMA NewsMore Videos
Most Popular