ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kape at Balita ng GMA News TV, nanggigising na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pasado sa pihikang panlasa ng mga Pinoy na maagang gumigising ang bagong programa sa GMA News TV na Kape At Balita. Hindi lang kasi kape ang mainit na inihahanda sa almusal ng mga manonood kundi maging ang mga balitang inihahatid ng multi-awarded broadcast journalist na si Susan Enriquez at veteran radio commentator na si Joel Reyes Zobel. Kuwela naman at pampagaang ng pakiramdam sa umaga ang hatid na pulso ng masa ng senior reporter na si Michael Fajatin. Hindi rin pahuhuli ang tips tungkol sa buhay-buhay na ibinibigay ng napakagandang news anchor na si Mariz Umali. Isang linggo pa lang mula nang masilayan sa telebisyon ang Kape At Balita, marami nang positibong komento ang natanggap ng grupo. Sa Kape At Balita ay makikita rin ang personalidad ng apat na anchor na maaaring hindi pa alam ng mga manonood gaya ni Fajatin. Earl Ben Geraldizo: “kakatawa nga yung topic sa business english....pati sina miss mariz at miss susan natawa talaga...joker pa tong si sir michael fajatin...." Helen Imperial: “Yez! Pnanood ko. Ang saya! Lalo na ung segment ni Michael Fajatin...kakatawa! (^_^)." Julius Cristobal Disamburun: “Wooh napanood ko ito.. i like the soundtrack.. saktong sakto!!!Keep up the good work.. kapuso!!." Richard Manulit: “congrats ang ganda tlaga napanuod ko 2 days na bgo ako pumasok." Edge Genciagan: “haha nakakatuwa talaga si michael fajatin, epic!" BarangayLoveStories@PapaDudut: “Gudmorning ok new show ng news tv kape at balita nakakatuwa si@susan_enriquez at ganda ni @marizumali :) late na tuloy ako nakakaligo lol." Kaya huwag nang pahuli sa pinakabagong programa na bubuo ng araw niyo at pagkukunan ng mga mahahalagang impormasyon tuwing umaga—6:00 a.m. hanggang 7:30 a.m.— mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA News TV Channel 11. - FRJimenez, GMA News