We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ihahatid ng GMA Network ang kakaibang sigla at pag-asa ngayong Pasko sa pamamagitan ng Walang Imposible Sa Pasko ng Kapuso Christmas campaign na unang matutunghayan sa darating na Lunes, November 5 sa 24 Oras. Nakapaloob sa apat na maiiksi ngunit makabuluhang kwento ng pamilya, pagkakaibigan at pag-ibig ang mensahe na lahat ay posible para sa mga naniniwala sa diwa ng Kapaskuhan. Tampok sa unang maiksing kwento na pinamagatang “Bituin" ang isang batang lalaki na may bitbit ng lumang costume para sa isang Nativity play. Lingid sa kaniyang kaalaman, may inihandang sorpresa ang kaniyang mga magulang upang mas lalo pa siyang magningning sa karakter na kaniyang gagampanan. Isang malaking regalo rin ang nag-aabang para sa mga bida ng “Handa," kung saan dalawang mag-asawa na naninirahan sa ibang bansa ang nagnanais na muling makaranas ng Pasko sa Pilipinas. Sa kwento ng “Karoling," isang lalaki ang mabibigyan ng espesyal na pagkakataon na mapalapit sa babaeng matagal na niyang hinahangaan sa tulong ng kaniyang mga kaibigan. At sa “Puting Pasko," kakaibang saya ang mararamdaman ng isang babae matapos tuparin ng kaniyang asawang ang pangarap nitong “white Christmas." Alamin kung ano ang gagawin ng kaniyang mister matupad lamang ang hiling ng kaniyang asawa. Sa pamamagitan ng campaign na ito, nais ng Kapuso station na ipadama sa lahat ang saya at inspirasyon na dulot ng pagtulong at pagdamay sa iba lalong lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. Matatagpuan ang mga eksklusibong behind the scene photos at videos ng Walang Imposible Sa Pasko ng Kapuso sa web portal ng GMA Network sa www.gmanetwork.com. -- GMA News