ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Youtube sensation Greyson Chance, nasa bansa para sa mall tour
Dumating na sa bansa ang Youtube sensation na si Greyson Chance noong Sabado para sa kanyang mall tour. Sa ganap na 2:30 ng hapon, nagkaroon ng meet and greet si Greyson sa Market! Market! Activity Center, Taguig City. Maliban dito, mapapanood din sita sa Trinoma Activity Center, Quezon City ngayong 6:30 ng hapon. Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa Balitanghali nitong Linggo, nauna nang dumating sa bansa si Greyson noong Abril 2012. Gayundin, natutuwa naman ang singer at songwriter sa kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas. — Mac Macapendeg/BM, GMA News
Tags: greysonchance
More Videos
Most Popular