Filtered By: Showbiz
Showbiz

Male model na si June Macasaet, nagwagi sa Manhunt International 2012


Inuwi ng Filipino male model na si June Macasaet ang titulo sa Manhunt International 2012 na ginanap sa Bangkok, Thailand kamakailan. Ayon sa ulat in Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes, tinalo ni Macasaet ang mahigit 50 na nagmula sa iba't ibang bansa. Gayundin, bukod sa Manhunt International title, nasungkit rin ng modelo ang New Urban Male Award. Si Macasaet ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa nasabing kompetisyon at nakatanggap siya ng cash price na 10,000 dollars o katumbas ng mahigit P400,000, modeling contract, at iba pang premyo. — Mac Macapendeg/BM, GMA News