ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA Network files case against actress Sarah Lahbati


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagsampa na ng demanda sa Quezon City Regional Trial Court nitong Biyernes ang GMA Network laban kay Sarah Lahbati dahil sa paglabag umano ng aktres sa kanyang pinirmahang kontrata sa kumpanya at programa nito. “The complaint of the Network states serious breach of management and program contracts because of Lahbati’s 'failure and refusal to comply with her obligations and undertakings under the Management Contract she had signed up with GMA-7 and appearances in her program assignments despite notice and advice'," nakasaad sa ipinalabas na pahayag ng network nitong Biyernes. Dagdag pa nito, “Further, the complaint also states that Lahbati’s 'continuous dishonor and flagrant violations of her obligations to perform her role as an artist in GMA-7’s TV programs is highly detrimental to the entertainment TV block of GMA-7; thus, requiring Lahbati to immediately discharge her contractual obligations with GMA-7'."   Halagang P7 milyon ang danyos na hinihingi ng network sa kampo ni Sarah dahil sa pagtanggi umano ng aktres na gampanan ang kanyang obligasyon sa pinirmahang kontrata sa kumpanya at maging sa mga programa ng network. Una rito, naiulat ang pagbabakasyon umano ni Sarah ng isang buwan kahit walang pahintulot o kasunduan sa network. (Basahin: GMA Network, nanindigan na nilabag ni Sarah Lahbati ang pinirmahan niyang kontrata) Sa pamamagitan ng Twitter, inihayag ni Sarah sa kanyang mga nakaraang post ng mensahe na gusto nitong mapawang-bisa na ang kanyang kontrata sa GMA Network. Si Sarah ay produkto ng talent search ng GMA-7 na Starstruck at nakakontrata ito sa network hanggang 2015. Nitong Huwebes, nagsampa ng hiwalay na demandang libelo laban kay Sarah si Atty. Annette Gozon-Abrogar, presidente ng GMA Films. Ang demanda ay kaugnay sa umano'y mga mapanirang pahayag ng aktres na inilagay nito sa kanyang personal Twitter account. (Basahin: Annette Gozon-Abrogar, nagsampa na ng kasong libel laban kay Sarah Lahbati) Sa isang ulat na lumabas sa pahayagang Philippine Daily Inquirer nitong Biyernes, sinabi umano ni Atty. Felipe L. Gozon, Chairman at Chief Executive Officer ng GMA Network, na hindi niya basta papayagan na makawala sa kontrata si Sarah matapos ng mga nangyari. Paliwanag ni Atty. Gozon, kung basta na lamang nila hahayaan si Sarah, magdudulot ito ng masamang halimbawa sa iba pang talent na may pinirmahang kontrata sa network na hinubog at ginastusan ng kumpanya. Mula nang magsimula ang sigalot ni Sarah at GMA Network, hindi pa nagpapaunlak ng panayam ang aktres at tanging idinadaan nito sa Twitter account ang kanyang mga pahayag. - FRJimenez, GMA News Ang GMA News Online ay ang official news website ng GMA Network

Tags: sarahlahbati