ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Payo ni Sheena Halili sa mga bagong artista: 'Maging humble ka'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sheena Halili sa special screening ng 'Indio' na ginanap sa SM Megamall noong Enero 9. Mac Macapendeg
Maging totoo sa sarili at maging magpakumbaba ang payo ng Kapuso actress na si Sheena Halili para sa mga bagong hanay ng mga artista sa showbiz. Aniya, "Huwag lalaki ulo niyo. I mean, kung sino yong mga taong nandiyan sa inyo before, huwag niyong kakalimutan and huwag kayong masisilaw agad sa kung ano yong meron kasi anytime pwedeng mawala yan, eh." Dagdag pa nito, "Basta...maging humble ka, wag mong pipilitin... Kunyari diba siyempre marami kang nakikila, parang 'wow ang ganda ganda niya, ganon ganon,' gusto mo na maging katulad nila—sa showbiz kailangan mo pa rin ipakita yong personality mo. Minsan kasi yon pa yong magdadala sayo doon sa pupuntahan mo." Gayundin, mahigit sampung taon nang artista si Sheena mula nang sumali siya sa dating talent search show ng Kapuso Network na Starstuck 1 at nagpapasalamat siya dahil sa tuloy-tuloy na biyayang natatanggap niya at pati na rin sa kanyang mga kasabayan sa showbiz. Wika pa nito, "Oo nga! Yes, may nawala pero may bumalik diba, yong mangyari nang nangyari. In fairness naman sa batch namin, sobrang blessed kaming lahat though may mga nangyayari siyempre, buhay talaga, rollercoaster pero ang importante lahat kami, nandito pa rin kami, stay in power!" Sa katunayan, maganda ang pasok ng bagong taon para sa aktres dahil kabilang siya sa malaking programang mapapanood sa Prime time na GMA, ang Indio. Kakaibang karakter Sa special screening na ginanap sa SM Megamall noong Enero 9, 2013, ikinuwento ng aktres ang kanyang kakaibang karakter. "Ako dito si Mayang. Parang ano ako dito, typical na babae na siyempre coservative pa noon. Diba ang mga lalaki noon, sila lang yong may karapatan na mag-aral and maging warriors— ako yong girl na, na bata na gusto ko matuto kung paano makipaglaban," kwento nito. Aminado naman ang aktres na hindi naging madali para sa kanya ang kanynag papel lalo na pagdating sa mga mala-lalaking pagkilos at pananalita. Aniya, "Mahirap. Hindi naman, actually siyempre knug gusto mo yong ginagawa mo diba, mas mapapabilis. Pero sobrang naging challenge siya sakin kasi nga may action [scenes] dito. Diba very kikay ako, so parang ibang Sheena siya." Kadalasan kasing napapanood si Sheena bilang kikay na best friend sa mga palabas. "[Nasanay] tayo na palagi akong best friend, yon nga yong comedy, comedy. At sobrang safe ng role ko, ngayon sobrang, kinakabahan nga ako kung maa-accept ba siya, kung paano siya [tatanggapin] ng mga tao kasi sobrang boyish ako dito, hinid kikay," saad nito. Mapapanood na ang Indio simula ngayong Enero 14, 2013 sa GMA Telebabad. — BM, GMA News
Tags: sheenahalili