We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sam Pinto sa special screening ng 'Indio' na ginanap sa SM Megamall noong Enero 9. Mac MAcapendeg
Masaya ang Kapuso actress na si Sam Pinto dahil kabilang siya sa malaking proyekto ng GMA-7 ngayong taon, ang Indio, kung saan gaganap siya rito bilang diwata ng tubig. "I play Lidagat. Isa siyang diwata ng tubig. So I control all forms of water from the rain, to the sea, to everything. Marami pang diwata so I'm one of them," pahayag nito. Makakasama ng aktres bilang diwata sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Rachelle Ann Go, Ehra Madrigal, Ellen Adarna, Will Devaughn, Steven Silva, Paolo Paraiso, at Kyle Jimenez. Gayundin, nagpapasalamat si Sam dahil napabilang siya sa hanay ng mga artista sa nasabing palabas. Aniya, "Of course, it's an honor to be part of this very very big epic-fantaserye of GMA, sobrang laki niya grabe, sobrang dami rin namin dito and also it's a parang kasi ito yong time na katatapos lang ng Spanish, eh, so kaming lahat, at the same time we all learn how to speak in Tagalog, kasi ang lalim ng Tagalog dito." Ang pagta-Tagalog daw ang isa sa malaking pagsubok para sa kanya dahil hindi naman niya ito madalas na ginagamit bilang lenggwahe. Kwento pa nito, "Very hard. Nakakatawa pa—ako, si Solenn, Will Devaughn, Rhian, oh good luck sa aming lahat. Pagnagta-taping kami, tawa lang kami ng tawa kasi kaming lahat kinakabahan pagnagta-take na." Ano naman kaya ang preparasyon ni Sam? "Number one is ano, lagi kong hinihingi yong script ng maaga kasi sobrang lalim pati kao hindi ko naiintindihan, eh, so pinapatranslate ko 'paano ba ibig sabihin nito?' Kasi hindi kami gumagamit ng mga baka, mga sana– mga subalit kami, oh my gosh. So yon hinihingi ko yong script ng maaga," pabirong kwento nito," saad nito. Biro pa ng aktres, baka raw dahil sa Indio ay maging magaling na siya sa pagta-Tagalog. Ani Sam, "Sabi ko nga, by doing this soap, siguro pagkatapos ng soap na 'to ang galing ko nang mag-Tagalog talaga." Maliban dito, si Sam ang kasalukuyang title holder ng "Sexiest woman of the world 2012" ng FHM Philippines at ito ang pangalawang taong hawak niya ang nasabing titulo. Batid pa ni Sam, "For me as of now, I'm just really happy and honored to be holding the title twice. So, whatever happens it's still up to the people to decide." — BM, GMA News