ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Third wave ng 'TugStugan Na!' campaign ng Barangay LS 97.1, inilunsad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ihanda na ang sarili sa mas pinatinding samahan at libangan sa paglulunsad ng third wave ng "TugStugan Na!" campaign ng Kapuso Network FM radio station na Barangay LS 97.1. Matapos ang matagumpay na 2012 kung saan nakamit ng Barangay LS ang parangal bilang Best FM Station sa Yahoo! OMG Awards, itinanghal naman ito kamakailan bilang Best FM Station sa 2013 UPLB Gandingan Awards. Kaya naman lalo pang pinasaya ang mga ‘crazy fun’ programs at segments ng FM radio station ng Kapuso Network na patok na patok sa ating mga tagapakinig sa FM radio. Magsisimula na ang ‘non-stop na TugStugan, non-stop pa sa tawanan’ sa ganap na 3:00 ng umaga kasama si Papa Tolits sa "Hoy! Pinoy." Mapakikinggan dito ang sikat na OPM songs na may kasamang early-morning kulitan sa mga tagapakinig ng programa. Pagkatapos nito ay makisaya naman sa kuwelang barkada nina Papa Jepoy, Papa Bodjie, Mama Cy at Chikotita sa "Potpot and Friends," simula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 6:00 am hanggang 9:00 am. Susundan naman ito ng "Radyo Nobela," kung saan kapwa handang maghatid ng mga kwentong pag-ibig sina Papa Dudut at Ate Liza. Mapakikinggan ito mula Lunes hanggang Sabado, 9:00 am hanggang 12:00 nn. Makakapiling naman sa Barangay LS tuwing oras ng pananghalian si Mama Belle sa "Sikat Sa Barangay" kasama ang iba’t ibang artista bilang guest co-host. Ang paboritong takbuhan ng mga naghahanap ng payo na sina Papa Kiko at Papa Obet ay mananatili sa "Talk To Papa," magmula Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 1:00 p.m. hanggang 3:00 p.m. Makakasama rin sila ng mga Kapuso listener tuwing Sabado sa oras na 12:00 ng tanghali hanggang 3:00 p.m.. Hatid naman ng "Three Play" ang mga most-requested hits kasama sina Papa Baldo at Papa Carlo tuwing Lunes hanggang Sabado mula 3:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. Samantala, subaybayan din ang kiligin sa mga hirit ng callers kasama ang resident matchmaker na si Papa Dan sa "Wanted Sweetheart," tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 9:00 p.m. hanggang 12:00 m.n. Mapakikinggan din sa Barangay LS ang ibang mga weekend programs tulad ng "Barangay Love Stories," "Barangay Love Songs," "The Big 10," "Barangay Idol" at marami pang iba. Dapat ding abangan ang mga bagong TVC ng Barangay LS kung saan kasama ang Kapuso leading lady na si Louise delos Reyes, at ang Party Pilipinas’ hit pop group Down to Mars. Nandiyan din ang comic duo nina Maey Bautista and Betong Sumaya, Kapuso heartthrob Benjamin Alves, at ang Kapuso love team na sina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona. Sa Biyernes, Pebrero 1, mapapanood ang music video ng mga ka-Barangay LS, kasama sina Julie Anne, Elmo at Down to Mars, sa GMA news 24 Oras. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
Tags: barangayls, lsfm