Regine Velasquez, may 'Ga-Reg Sale' sa Sarap Diva this Saturday
Bukod sa mga espesyal na panauhin at ihahandang recipes, magkakaroon din ng “Ga-Reg Sale" para kanyang mga avid fan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva ngayong Sabado. Sa makabuluhang “Ga-Reg Sale," ipasusubasta ni Regine ang ilan niyang prized possessions at ang kikitain nito ay mapupunta sa Kapuso Foundation. Makakasama naman ni Regine sa pagluluto ang mga Kapuso celebrities na sina Camille Prats at Jolina Magdangal. Magpapatikim si Jolina ng kanyang “On-The-Go Grilled Pork Ribs," habang “Breaded Chicken with Mocha Sauce" naman ang ihahanda ni Camille. Ipakikita naman ni Regine kung papaano maghanda ng kanyang fruity energy drink kasama ang Youtube sensation na Chicser. Asahan na magbabahagi ng ilang kwento si Jolina tungkol sa honeymoon nila ng kanyang hubby na si Mark Escueta. At alamin din ang latest sa love life at pagiging single mom ni Camille. Lahat nang iyan sa Sabado, ganap na 9:45 a.m. Sa GMA-7 sa Sarap Diva. - FRJ, GMA News