Darating sa bansa ang Korean Pop (KPop) boy band sensation na 2PM para sa kanilang 2013 "What time is it" Live tour. Magkakaroon ng one-night-only concert ang grupo na idaraos sa Mall of Asia Arena sa Marso 2, 2013, Sabado. Maririnig na rin ng mga 2PM fans sa bansa ang kanilang chart-topping hits tulad ng “Hands Up", “Heart Beat", “Again and Again" at “Crazy Over You" sa kanilang kauna-unahang concert dito sa Pilipinas. Magtutungo din ang grupo sa Guangzhou Gymnasium sa Guangzhou, China sa Marso 30 at sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand sa April 8 bilang pagpapatuloy ng kanilang live tour sa Asya. “It’s wonderful to have Kpop superstars 2PM choose Manila as the opening venue for their 2013 Live Tour. Manila is really making its mark into becoming the world-class entertainment center of Asia," ani Nian Rigor, Head of IMC of Hoopla Inc., ang local promoter ng concert. Magkakaroon din ng pagkakataon ang masuwerteng 150 na tagahanga ng K-pop group na makasama sila pagpunta sa bansa. --
Mac Macapendeg/FRJ, GMA News