ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Pilot episode ng Vampire Ang Daddy Ko ni Vic Sotto, panalo sa TV ratings nitong Sabado
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagparamdam kaagad sa lakas ng TV ratings ang bagong sitcom ni Vic Sotto sa GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko na simulang napanood nitong Sabado ng gabi, March 9. Batay sa datos ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila households na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP), lumitaw na pumangalawa ang Vampire Ang Daddy Ko sa mga programang panggabi sa telebisyon na tinutukan ng mga manonood nitong nakaraang Sabado. Basahin: Glaiza de Castro, kontrabida muli sa GMA sitcom 'Vampire Ang Daddy Ko' Sa top 10 programs na panggabi nitong Sabado, March 9, nanguna sa ratings ang Magpakailanman (GMA-7) na may 25.9 percent, at sumunod na ang Vampire Ang Daddy Ko na nakakuha ng 23.7 percent. Tampok sa nakaraang episode ng Magpakailanman ang buhay ng Kapuso young actor na si Alden Richards. Makikita ang buong detalye ng AGB Nielsen Mega Manila Household Ratings (March 8-10) sa entertainment news website na PEP.ph - FRJ, GMA News Tags: vampireangdaddyko, vicsotto
More Videos
Most Popular