ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dina Bonnevie, pinayuhan daw ang ex-husband na si Vic Sotto na humanap ng ka-edad na mamahalin
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nag-aadjust pa raw sa ngayon ang aktres na si Dina Bonnevie sa panibagong yugto ng kanyang buhay bilang misis ng isang pulitiko matapos silang magpakasal ni Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor "DV" Savellano. Sa artikulong isinulat ni Rey Pumaloy sa showbiz news website na Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabi ni Dina na masaya siya dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang kanyang partner. Ikatlong asawa na umano ni Dina ang bise gobernador; at hindi nagkakalayo ang kanilang edad. Sa isang bahagi ng ulat, naitanong din sa aktres kung nasabihan ba niya ang kanyang dating mister na si Vic Sotto na kumuha ng kasintahan na hindi nalalayo sa kanilang edad. Basahin: Vic Sotto not in a hurry to settle down with rumored gf Pauleen Luna Si Dina ay 50 anyos, habang 58 anyos naman si Vic. Ang kasalukuyang girlfriend ni Vic na si Pauleen Luna ay 24 years old naman. Ayon kay Dina, sinabi umano niya noon kay Vic ang tungkol sa pagkuha ng kasintahan na hindi nalalayo sa kanilang edad. “Sinabi ko sa kanya eto noon… noon-noon pa ito. Kasi, parang nagkaroon sila ng misunderstanding ni Oyo," patungkol ni Dina sa anak nila na si Oyo Boy Sotto. “Tapos, sabi ko, ‘Alam mo, Vic, kaya nasasaktan yung mga bata kasi mas bata pa sa kanila. Parang, ewan ko, ha? “’Look after your future. Baka naman pag sixty-five ka na, at masakit na yung mga tuhod mo, uugud-ugod ka na, e, gusto pang pumarty nung isa? Ang layo masyado ng agwat.’ “Sabi ko, ‘Why don’t you get someone who would understand when you grow old?’ Kasi magiging eccentric rin,” ayon sa aktres. Nagkwento rin si Dina na naging maganda ang pagsasama noon nina Vic at Pia Guanio -- girlfriend ni Vic bago si Pauleen. Sinasabing "right match" daw sina Vic at Pia dahil "mature" na ang TV-host na si Pia kahit medyo malaki rin ang agwat ng edad ng dalawa. Basahin: Oyo Sotto on dad Vic Sotto: 'Kahit na mali ang desisyon niya o tama, respeto pa rin' Ayon kay Dina, nagkaroon lang ng problema ang dalawa dahil nais na umano ni Pia na magpakasal, bagay na ayaw naman daw ni Vic. “Yun nga lang, Pia couldn’t wait because Vic didn’t want to really get married but she wanted to get married na," ayon kay Dina. "And si Vic, as long as he can prolong it, hindi siya magpapakasal. " Sa ngayon ay kasal na si Pia sa kanyang non-showbiz husband na si Steve Mago, at mayroon na silang isang anak. - FRJ, GMA News Tags: vicsotto, pauleenluna
More Videos
Most Popular