Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe reunites with Jake Cuenca in the movie Lihis; insists they're just friends


Magkasama sina Lovi Poe at Jake Cuenca sa indie film na Lihis, isa sa mga entry sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival na gaganapin sa Setyembre. Ididirek ito ni Joel Lamangan mula sa script ni Ricky Lee. Kasama rin nina Lovi at Jake si Joem Bascon sa kakaibang love triangle na ito. Sina Lovi at Jake ang magkaribal sa pag-ibig ni Joem sa pelikula. Sa press conference ng Lihis kagabi, April 11, sa RJ Bistro Makati ay tinanong si Lovi: Paano kung sa tunay na buhay ay ang kaagaw niya sa pag-ibig ng lalaking mahal niya ay isa ring lalaki? Ipaglalaban pa rin ba niya ito? Nangiti ang aktres at saka sinabing, “Mahirap siyang sagutin.  “Siguro, hindi ko mabi-blame ang character ko. Maybe I’ll do the same.  “Kasi, meron siyang mga ginawang bagay dito na mahirap tanggapin.”   JAKE OR ROCCO. Pagkatapos ng My Neighbor’s Wife noong 2011, magkasamang muli sina Lovi at Jake sa isang pelikula. Kumusta naman ang pakikipagtrabaho nila ulit? “Yes, masaya,” sambit ni Lovi. “At least, magkakasama kami ulit at exciting yung twist ng story.  “I don’t know kung nasabi ba na love triangle na, yun nga, hindi kami partner, mag-aagawan kaming dalawa.  “So, may the best girl win!” Biro naman namin kay Lovi, mukhang talo yata siya ni Joem? “Oo nga, e!” natatawa rin niyang sabi. Ngayon ba ay iba na ang pakikitungo nila ni Jake sa isa’t, lalo’t sinasabing may “something” na sa pagitan nila? Sagot ni Lovi, “Well, I’m just happy working with him again.  “It’s always a pleasure working with Jake. He’s a very good actor and very professional.  “I’ve never met anyone as passionate as he is when it comes to our job. “Siya talaga.” Sila pa rin ba hanggang ngayon? “No, magkaibigan kami. Ever since naman, we’re always good friends, so yun.” Ayon naman kay Jake, kung ano raw sila dati ay yun pa rin sila hanggang ngayon. Nagdi-date pa rin daw sila. Tugon ni Lovi dito: “Basta, we see each other naman often.”  Nali-link din kay Lovi si Rocco Nacino. May intriga pa nga noon na ang aktres diumano ang rason sa paghihiwalay nina Rocco at Sheena Halili. Pero paglilinaw ni Lovi, “Rocco is also my friend.”                Sino ang mas matimbang sa kanya—si Jake o si Rocco? “Hala!” bulalas ni Lovi “Basta for now, I just wanna focus on my work, especially maraming mga mangyayari at marami akong gustong mangyari ngayon. “Wala, I just really wanna work hard now and let’s see what’s gonna happen naman in the future.” -- Rose Garcia, PEP  
Tags: lovipoe
LOADING CONTENT