ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jessica Sanchez, mapapanood sa season finale ng 'Glee'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling mapapanood ang "American Idol" Season 11 runner-up at may dugong Pinoy na si Jessica Sanchez bilang si Frida Romero sa season finale ng US television hit show na "Glee."   Sa nasabing episode, makakalaban para sa regional competition ng Glee Club na kinabibilangan ni Frida (Jessica) ang New Directions, ang grupo ng main cast ng show tulad nina Blaine Anderson (Darren Criss), Tina Chang (Jenna Ushkowitz), at Artie Abrams (Kevin McHale).   Mapapanood ang nasabing final episode ngayong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).   Ito ang ikalawang pagkakataon na mapapanood ang 17-anyos na si Jessica sa "Glee." Una siyang ipinakilala sa ika-20 episode ng comedy-drama musical show at tinawag bilang "powerhouse singer."   Ilan pa sa guest stars na napanood sa season 4 ng "Glee" ay sina Kate Hudson, Sarah Jessica Parker, at Katey Sagal. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News