ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Libel case ni Sarah Lahbati, inirekomenda ng Makati Prosecutor's Office
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inirekomenda ng Makati Prosecutor's Office ang isinampa na kasong libel laban sa aktres na si Sarah Lahbati.
Bungsod ito ng umanong malisyosong pahayag ng aktres sa kanyang Twitter account (@SarahLahbati), isang microblogging site, laban kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar.
Ayon kay Assistant City Prosecutor Torres Peña sa ulat ng Saksi nitong Lunes, hindi nakapagpakita si Lahbati ng ebidensiya na ang kanyang mga pahayag sa nasabing microblogging site ay ginawa "in good faith."
Gayunpaman, malinaw daw umano na layon lamang nitong sirain ang reputasyon ni Gng. Gozon-Abrogar.
Nagsimula ang isyu nang nilabag umano ni Lahbati ang kanyang kontrata nang magwalk-out sa isang taping at magbakasyon ng walang pahintulot sa management.
Gayundin, pormal na nagsampa ng kaso si Gng. Gozon-Abrogar noong Enero 10, 2013. —Mac Macapendeg/KG, GMA News
Tags: sarahlahbati
More Videos
Most Popular