ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ai-Ai delas Alas sa 'sex maniac' rumors:  'Alam ko na yun'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang emosyunal na pag-amin ni Ai-Ai Delas Alas na hiwalay na sila ng kanyang asawa na si Jed Salas, naging usap-usapan naman ngayon sa social networking sites ang balitang plano raw gantihan ni Jed ang actress-comedienne. Nitong nakaraang Linggo, napanood sa telebisyon ang pag-iyak ni Ai-Ai habang inilalahad ang pagtatapos ng kanilang pagsasama ni Jed.  Inamin din ng aktres na naging biktima siya ng pang-aabuso. Ang ginawang pag-amin ni Ai-Ai sa kanyang karanasan ay umani ng paghanga sa ilang mambabatas. (Ilang mambabatas, humanga sa katapangan ni Ai-Ai de Alas) Pero sa isang artikulo na lumabas sa PEP noong nakaraang Pebrero, itinanggi ni Ai-Ai na isa siyang battered woman. (Ai-Ai delas Alas denies being a battered girlfriend) Marami ang nagulat sa ginawang pag-amin ni Ai-Ai dahil ilang linggo pa lamang ang nakalilipas nang lumabas ang mga balita - kasunod ng kompirmasyon, na ikinasal ang dalawa sa Las Vegas. (Ai Ai delas Alas, boyfriend married in Las Vegas?) At kasunod nga ng mga rebelasyon ay mga usapan-usapan sa mga social networking site na gaganti umano si Jed kay Ai-Ai dahil sa alegasyong nananakit siya ng asawa. Sa isang larawan na inilagay ni Ai-Ai sa kanyang instagram account kasama ang kanyang anak, umani ng simpatya at pagmamalasakit ang aktres mula sa kanyang mga follower. Isa rin sa mga follower ang nag-post ng mensahe tungkol sa mga usap-usapang paghihiganti diumano na gagawin ni Jed. Sinagot naman ito ni Ai-Ai na: "ALAM KO NA YUN ... na sex maniac ako sabi... hayaan nyo na..." Sakabila ng lahat, nanatiling tahimik at wala pang pahayag na inilalabas si Jed tungkol sa kanila ni Ai-Ai. Sa isa pang post, ipinakita naman ni Ai-Ai ang larawan ng mga bagong niyang mahal -- ang dalawang cute na tuta na may pangalang Shiva at Sohan. Nakasaad dito ang mensaheng: "SA LAHAT NG MGA NAGMAMAHAL SAKEN... LETS ALL MOVE ON AND WELCOME MY NEW LOVES... SHIVA AND SOHAN...TILL DEATH DO US PART :):) tnx Sanch labyu nak... LABYU ALL."   Sa harap ng pinagdadaanan pagsubok sa kanyang buhay pag-ibig, ipinahiwatig ng aktres na kaya niya itong lampasan. "PAIN IS A SUDDEN HURT THAT CANT BE ESCAPED. BUT THEN I HAVE ALSO LEARNED THAT BEC OF PAIN I CAN FEEL THE BEAUTY,TENDERNESS AND FREEDOM OF HEALING... LETS TURN NEGATIVE THINGS INTO POSITIVE...minsan ok lang kung nasaktan tayo kesa tayo makasakit...nite everyone... TO GOD BE THE GLORY!!! :):) kiss to all .. MAHAL KO KAYONG NAGMAMAHAL SAKEN NG TAPAT ....salamat sa inyong lahat," pahayag ni Ai-Ai sa isa pa niyang mensahe. - FRJimenez, GMA News