ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Annabelle Rama, Nadia Montenegro end rift


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinuldukan na nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro ang kanilang halos isang taon na hidwaan na humantong pa sa demandahan.

Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account, ikinuwento ni Annabelle nitong Miyerkules ang  pagkikita nila ni Nadia sa isang pagdinig.

Bagaman hindi kumpleto ang detalye sa pagkikita nila ni Nadia, sinabi ni Annabelle na hindi niya inaasahan kung ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita.

2. I didnt expect anything kung anong mangyayari sa aming pagkikita ni Nadia.


Pareho daw silang "good mood" at nagyakap sila ni Nadia. Sumunod naman daw ang mga anak ni Nadia na sina Ynna and Alyanna.
 
Basahin: Annabelle Rama, may mensahe sa nakalabang kongresista sa Cebu

"Si(y)empre lumambot ang puso ko ganun lang kabilis," ayon kay Annabelle.

4.Naglunch kami at napag usapan namin ang tungkol sa case, parang walang nangyari at back to normal ang kwentuhan.

Sinabi pa ni Annabelle na kapwa sila humingi ni Nadia ng patawad sa isa't isa at doon na nila tinapos ang halos isang taon nilang hidwaan.

Sa kanyang Twitter account, nag-post naman si Nadia ng mensahe tungkol sa pagpapatawad.


Nag-ugat ang hidwaan nina Annabelle at Nadia dahil sa umano'y kagustuhan ni Nadia na alisin sa pamamahala ni Annabelle bilang manager ang mga anak nito.

Ang iringan nila ay humantong sa pagsasampa ng kasong libelo at iba pa sa korte.

Basahin: Nadia Montenegro, humingi ng proteksiyon vs Annabelle Rama

Nabigo si Annabelle sa kanyang pagsabak sa pulitika nang matalo sa nakaraang halalan bilang kongresista sa Cebu.
 
Hindi rin pinalad na makabalik sa pulitika ang life partner ni Nadia na si Macario "Boy" Asistio, na tumakbong alkalde sa lungsod ng Caloocan. - FRJimenez/GMA News