ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards at Louise delos Reyes, napili ng DOH sa kampanyang 'Pilipinas Go4Health'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakiisa ang ilang Kapuso stars sa inilunsad na kampanya ng Department of Health na "Pilipinas Go4Health" para isulong ang malusog na pamumuhay.

Sa ginanap na press launch nitong Huwebes, sinabi ni Health secretary Enrique Ona na napili ng DOH sina Alden Richards at Louise delos Reyes na maging bahagi ng nasabing kampanya.
 
Sa panayam ng GMA News Online, inihayag ni Alden ang kanyang personal na pagtutol sa bisyo ng paninigaryo — lalo na sa kababaihan.
 
"When I see someone, especially a woman na nag-i-smoke, parang I wanted to tell her to stop," aniya.
 
"I'm very concerned with pneumonia because my mom passed away five years ago because of that. She's really bad chain smoker, and sobrang laki ng grudge ko when it comes to smoking, especially sa girls," paliwanag ng aktor.
 
Sinabi ni Alden na hindi siya nagdalawang-isip nang alukin ng DOH na maging bahagi ng kampanya.

"Kasi coming from a personal experience yung pinanggagalingan ko so I don't really want that to happen to other people. Kasi yung sudden death, my mom's death was really sudden. Hindi kami nakapag-prepare and ang kaunti ng time, because of that cancer stick na iyon, my life has changed totally," patuloy niya.
 
"You have to eat right, you have to quit vices, smoking and drinking, and exercise. Iyon lang, you can live long," payo ni Alden. "Lahat iyan, kapag nagawa mo, if you are able to put it in your life, kapag nagawa mo iyan lahat, and you're able to put it in your life, talagang magbabago."
 
Para sa kanya, mahalaga ang kampanya ng DOH para sa kabataan, lalo na sa mga bata o sa mga binatilyong naninigarilyo.
 
"Basically, smoking is peer pressure from friends mo, kapag nakikita mo sila, nagyoyosi, para cool. Pero mas cool kung tatanggi ka, and mas cool ka na you have your own statement of a healthy life," aniya.
 
"I'm proud to say na I don't have vices, I drink occasionally but I don't get drunk, and I don't smoke. That's why I'm really proud to promote this campaign so I can inspire a lot of people, especially ang youth kasi sila 'yung susunod e," dagdag niya.
 
First ever advocacy
 
Para naman kay Louise, ito ang unang pagkakataon makibahagi siya sa isang advocacy campaign.
 
Ayon sa dalaga, gagamitin niya ang social media upang hikayatin ang mga tao, lalo na ang kabataan, na magkaroon ng malusog na pamumuhay.
 
"Since social media is viral nowadays, I will use my Twitter account, my Facebook, maybe post a video about and from there. I think, makakahanap na tayo ng maraming susuporta sa advocacy ng DOH," paliwanag ni Louise sa hiwalay na panayam ng GMA News Online.
 
Aminado si Louise na matagal na niyang sinusubukang magkaroon ng malusog na pamumuhay dahil karamihan sa miyembro ng kanyang pamilya ay may hypertension.
 
Ito umano ang dahilan  kaya siya mismo ay nag-iingat sa kanyang pangangatawan.
 
"I will see to it na pangangalagaan ko ang sarili ko, susundin ko ang pag-e-exercise, I will get enough sleep, and as much as possible, I will encourage my family," ayon sa aktres. - Mandy Fernandez/FRJ, GMA News