Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rhian Ramos, bibida sa sci-fi drama na 'Genesis' kasama si Dingdong Dantes


Lubos ang pasasalamat ng Kapuso aktres na si Rhian Ramos dahil agad-agad nasundan ang pinagbidahang epic-serye na "Indio." Balik tambalan kasi ang aktres at ang "Dance of the Steel Bars" star na si Dingdong Dantes para sa panibagong sci-fi drama seryeng aabangan sa GMA Telebabad na "Genesis."
 
"Sobrang appreciative ako sa love na natatanggap ko. Parang sobrang iba siya sa experiences ko before," pahayag ni Rhian sa ulat ng "Kape at Balita" ng GMA News TV nitong Huwebes.
 
Tatalakayin sa naturang serye ang end of the world at ito ay ididirekta nina Bb. Joyce Bernal at Mark Reyes.
 
 
Kilala si Bb. Bernal sa Kapuso shows na "I Heart You, Pare!" (2011), "Stairway to Heaven" (2009), "Dyesebel" (2008), at "MariMar" (2007).
 
Kilala naman si Reyes sa Kapuso shows na "Teen Gen" (2012), "Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa" (2012), "Encantadia" (2005), at "T.G.I.S." (1995).
 
Makakasama nina Rhian at Dingdong sa naturang palabas sina TJ Trinidad, Carlo Gonzales, at Betong.
 
Samantala, nakatakda namang magbakasyon si Rhian kasama ang nobyong si KC Montero sa England ngayong Hulyo upang dalawin ang mga kamag-anak nito.
 
Nakilala si Rhian Ramos sa mga palabas na "Indio" (2013), "Stairway to Heaven" (2009), "Zorro" (2009), at "Captain Barbell" (2006). Bumida rin ito sa pelikulang "Sosy Problems" (2012). — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News