ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ai-Ai delas Alas, lumipad sa US; hindi tiningnan ang asawa sa pagdinig ng kaso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Lumipad na patungong Estados Unidos ang komedyanteng si Ai-Ai delas Alas kasama ang panganay na anak na si Sancho Vito nitong Miyekules upang magbakasyon at makapiling ang mga iba pang anak. Isang buwan siyang mananatili dito. "Magbabakasyon kami ng mga bata ang magbo-bonding kami kasi dadalawin ko naman 'yong dalawa [ko pang anak]... at first time namin magbonding na mag-iina," pahayag ni Ai-Ai sa panayam ng StarTalk TX na umere nitong Sabado. Kasabay ng paglipad nito ay ang pagdinig ng civil case na Republic Act 9262 o Anti-violence against Women and Children na isinampa ng komedyante laban sa asawang si Jed Salang sa Branch 94 Quezon City Regional Trial Court bunsod ng insidente sa pagitan ng dalawa noong Mayo 24. Humiling din ang komedyante sa korte ng temporary at permanent protection order. Samantala, bawal naman nila itong pag-usapan sa publiko dahil mayroon silang gag order or suppression order. "Hindi ko siya nakita actually, naririnig ko lang boses niya and siguro hindi na rin ako interesado," wika ni Ai-Ai. Bukod pa rito, pinabulaanan ni Ai-Ai ang bali-balitang mula sa kaibigan nitong si Kris Aquino ang PSG na umeeskorte sa kanya. "Humingi ako ng tulnog sa kanya [Kris] pero hindi sila PSG. Ang PSG para lang sa Presidente 'yon— 'yong akin PNP yon na ako ang nagbabayad. Nagpatulong lang ako kay Kris doon sa dalawa, then nong nalaman ko na 'yong process ako na kumuha nong iba." Mayroon siyang apat ng escort police. Dalawa para kanyang anak at dalawa para sa kanya. Paghilom Kasalukuyan namang hinihilom ni Ai-Ai ang sugat na nakuha niya sa kanyang asawa. Aniya, "Lahat naman nahihilom ng panahon. Ang pain wala namang shortcut. Talagang it's a process... Ayaw ko nang magalit, eh. Noon pa na sinabi na I trust Him, I trust the Lord. Siya na lang bahala." Samantala, no comment naman si Ai-Ai ukol sa dahilan ng pagpunta sa Amerika ay upang asikasuhin ang divorce nilang mag-asawa. Sinabi pa nitong, ang importante ay ang bonding nito sa mga anak. Ikinasal ang dalawa sa Las Vegas, Nevada nitong Abril ngayong taon. Sex video and other girl May usap-usapan ding mayroon silang sex video ng asawa na maaaring ipanglaban laban sa kanya. Sagot naman ni Ai-Ai, "Wala pa naman akong nakikita so far. Kapag meron na, saka ako magsasalita." Bukod rito, may bali-balita rin may iba nang karelasyong babae si Jed. Wika ni Ai-Ai, "First hindi ko kilala 'yong babae and hindi rin naman natin alam na baka kamag-anak niya o pinsan niya or something. Hindi natin alam ayaw ko naman magjudge sa kanila but... siguro kasi legally and technically asawa ko pa rin si Jed... Hayaan na lang kung doon siya masaya." Magandang dulot paghihiwalayan Kung may magandang dinulot ang kanilang paghihiwalay, ito raw ay naging daan upang maging mas malapit si Ai-Ai sa kanyang mga anak. "Naging close kami and maganda namang pangyayari kasi ngayon magbo-bonding kami and iba naman suporta nila sa akin," ani Ai-Ai. Gayundin, lubos naman ang pasasalamat ni Ai-Ai sa mga tagahanga nito lalo na sa social media tulad ng Twitter at Instagram. "Mga taong nagmamahal sakin, thank you kasi malaking bagay talaga sila na sinusuportahan nila ako. Lalo na pag sinasabi nila na 'Ai-Ai isa lang naman yang nawala, million kami.' Napakasaya and happy, feeling ko blessed na blessed ako ngayon," pahayag nito. — Mac Macapendeg/DVM, GMA News