Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ms. Helen Gamboa, Kapuso na rin; mapapanood sa Akin Pa Rin Ang Bukas


Kapuso na ang batikang television at movie actress na si Ms. Helen Gamboa matapos na pumirma ng kontrata sa GMA Network nitong Martes.   Kasama ni Ms Helen sa contract signing ang kanyang manager na si Shirley Kuan. Nandoon din sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon; GMA Entertainment TV's OIC Lilybeth G. Rasonable; at GMA Vice President for Drama Redgie Acuña-Magno.   Mapapanood si Ms. Gamboa sa upcoming primetime drama na Akin Pa Rin Ang Bukas, kung saan makakasama nina sina Lovi Poe, Rocco Nacino, Solenn Heussaff, Charie Pineda, Gary Estrada at Cesar Montano. Itinuturing ng batikang aktres na malaking karangalan ang maging Kapuso, at excited na rin sa kanyang magiging proyekto. "Honestly, I am deeply honoured to be joining Channel 7. I am so excited about this wonderful project that they have for me. I am sure I'm going to have a very good working relationship with all of you especially with the production team. I'm really looking forward to beautiful days of tapings," ayon kay Ms. Helen.   Tungkol sa kanyang magiging kontrabida role sa Akin Pa Rin Ang Bukas, sinabi ni Ms Helen na: "Every project that I do, every role that I portray, I really feel challenged at pinagbubuti ko to the best of my ability. Siguro it will inspire me more na as I go on, pagbubutihin ko pa lalo yung pagganap sa character na ipo-portray ko. When you are an actress and talagang dedicated ka sa craft mo, you will do everything to give a good performance." Sinabi naman  ni Atty. Gozon na ikinalulugod niya na mapabilang si Ms. Helen bilang isang Kapuso.   "Tayo ay both honoured and very happy that Helen Gamboa is joining us. She is not only a good singer but also a very good actress. Sabi ko nga kanina, parang yung itsura niya ay hindi nagbabago," ayon sa pinuno ng GMA Network.    Ikinalugod naman ni Ms. Rasonable ang pagtanggap ni Ms. Helen sa kanyang role sa Akin Pa Rin Ang Bukas.   "We are very happy na tinanggap niya yung offer namin na ito. We are looking forward kasi we know she is such an excellent actress. Ang laki ng maibibigay niya sa soap na ginagawa namin. Sana masiyahan siya sa kaniyang pagtatrabaho dito sa GMA as we are happy to have her," pahayag nito. -- FRJ, GMA News.