We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Palaisipan pa kung sino talaga kina Krystal Reyes bilang Anna, Barbie Forteza bilang Karen, at Joyce Ching bilang Nina ang tunay na "Anna KareNina." Ngunit nagulat ang lahat nang nagpakilala ang pang-apat na 'Anna KareNina' na si Angel De Guzman, na ginagampanan ni Thea Tolentino. “Galing ako sa probinsya tapos bigla na lang akong pupunta sa mga Monteclaro tapos sasabihin ko na ako yung tunay nilang apo, tapos maraming twist ang mangyayari,” kuwento ni Thea tungkol sa kanyang role. Nang tinanong siya kung ano ang nararamdaman niya sa bagong project, tugon niya, “Sobrang honored dahil ang ganda ng 'Anna KareNina' eh. ang taas ng ratings tapos napasama ako bilang ika-apat na Anna KareNina. Wow lang!” First time makakatrabaho ni Thea ang mga Kapuso tween stars. Sa unang taping pa lang, inimbita na siya ng mga tween makipag-bonding sa kanila. Inilarawan niya na “energetic" ang mga Tween star sa una pa lang nilang pagkikita. “Sana nga mapaingay nila ako,” wish ng batang aktres. Si Angel de Guzman na nga kaya ang tunay na "Anna KareNina?" Patuloy itong subaybayan sa GMA Telebabad, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras. --Anjelica Que, GMANetwork.com