ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Anak nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, ipinagdiwang ang kaarawan sa spa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinagdiwang ni Sabina, ang adopted daughter nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, ang kanyang ika-siyam na kaarawan sa Blue Water Day Spa sa Quezon City.
Ito ang post-birthday celebration ni Sabina na nagdiwang ng kaarawan noong Hunyo 27.
Ayon sa ulat ng Balitanghali nitong Linggo, na-postpone ang birthday celebration ni Sabina dahil nagkasakit si Claudine.
Samantala, hinid nakadalo si Raymart sa naturang selebrasyon ngunit ayon pa kay Claudine, nagpadala umano siya ng imbitasyon sa pamilya Santiago. — Mac Macapendeg/BM, GMA News
Tags: raymartsantiago, claudinebarretto
More Videos
Most Popular