ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice, kinilala bilang "Hottest Lesbian in the World" ng isang website


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinilala kamakailan ang international singing sensation na si Charice bilang "Hottest Lesbian in the World" sa listahang Alt-Hot-105 ng Autostraddle.com, isang sikat na American-based lesbian and bisexual website.

Nanguna si Charice sa 105 pang ibang lesbians na pasok sa naturang listahan.

Unang lumantad si Charice bilang lesbian sa publiko nitong Hunyo kasabay ng pag-amin niya sa kanyang relasyon sa mang-aawit na si Alyssa Quijano at sa aniya'y problema niya sa pamilya.

Unang nakilala si Charice sa talent show na "Little Big Star" ngunit sumikat ito matapos maging viral ang isang video nito sa YouTube. Ito ang naging daan para maging guest siya sa ilang sikat na foreign talk shows tulad ng "Oprah" at "Ellen DeGeneres" at maging sa TV series na "Glee." Bukod dito, lumabas din siya sa pelikulang "Here Comes The Boom."

Samantala, ang website naman kung saan tampok ang Pinay singing sensation ay kinilala bilang "2012 Bloggies' Weblog of the Year Award" at nominado bilang "Outstanding Blog" sa 24th Annual GLAAD Awards.

Pasok din sa naturang listahan ang Pinay TV personality na si Divine Maitland Smith sa ika-9 na puwesto, ang Hollywood actress na si Zoe Saldana (38), at Broadway star na si Monique Wilson (61). — Mac Macapendeg/KBK/CM, GMA News

Photo from Charice's official Twitter account