ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Claudine Barretto, humingi ng Temporary Protection Order laban kay Raymart Santiago
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Humingi ng Temporary Protection Order ang kontrobersyal na aktres na si Claudine Barretto laban sa asawa nitong si Raymart Santiago sa Marikina City Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes ayon sa report ng dzBB.
Ang naturang TPO ay hiniling ni Claudine alinsunod sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) para sa ikabubuti niya at ng dalawang anak nito na sina Sabina (walong taong gulang) at Santino (anim na taong gulang).
Ayon pa sa naturang report, namumugto pa umano ang mga mata ni Claudine nang lumabas ito sa naturang tanggapan. Gayundin, tumanggi naman ang aktres na magbigay ng pahayag kaugnay sa inihain na reklamo.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang abogado ni Claudine, hindi na raw matiis ng aktres ang kanyang pinagdadaanan at sinabing long overdue na raw ang pinagdaraanan nito hanggang sa dumating na raw sa puntong kailangan na ng intervention.
Dagdag ni Topacio, ayon pa sa aktres, sinubukan naman daw nitong gawin ang lahat upang maayos ang kanilang relasyon at gawing pribado ang kanilang problema upang walang mapahiya.
Ngunit hindi na mapigilan ni Claudine ang nararamdaman dahil maging ang mga anak nito ay apektado na sa problema.
Sabado pa lamang ay tinawagan na ni Claudine si Atty. Topacio kaugnay sa problema at masinsinan daw nila itong pinag-usapan hanggang sa nagdesisyon silang maghain na ng reklamo.
Hiniling naman ng kampo ni Claudine na igalang ang kanilang privacy dahil sa umanong labis na trauma na naranasan. Nasa kustodiya niya ngayon ang kanyang dalawang anak.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang desisyon ng hukuman at umaasa ang aktres na magiging pabor sa kanya ito. —Mac Macapendeg/KG, GMA News
More Videos
Most Popular