ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Raymart Santiago, itinangging inaabuso niya si Claudine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Updated 8:54 a.m., July 31) - Pinabulaanan ni Raymart Santiago ang akusasyong inaabuso niya ang asawang si Claudine Barretto na dahilan kung bakit humingi ang aktres ng Temporary Protection Order (TPO) mula sa korte nitong Lunes. Sa mensaheng ipinadala ni Raymart sa GMA News, sinabi nitong walang katotohan ang mga balitang lumabas ukol sa pang-aabuso sa asawa. Dagdag niya, maraming makapagpapatunay na may abilidad si Claudine na gumawa ng kuwento. Ani Raymart sa ulat ng “Balitanghali” nitong Martes, "Matagal akong nanahimik pero dahil sa mga mapanirang akusasyon na ibinabato sa akin, napilitan akong sumagot para na rin sa kapakanan ng mga anak namin." "Walang katotohanan na inabuso ko ang ina ng mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko. Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan." Bukod pa rito, ilalabas daw ng aktor ang katotohanan kaugnay sa naturang reklamo ng asawa na alinsunod sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) sa korte at sa tamang panahon. "Marami rin ang makakapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento," ani Raymart. "Again, I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon," dagdag pa niya. 'I just want to protect my children and myself'   Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Claudine, noong 2005 pa umano nakararanas ng pang-aabuso ang aktres sa kamay ng asawang si Raymart. "Without going to the details, lahat po maraming klaseng abuse ang nilalarawan sa Republic Act 9262 and he's committed a lot of those physical, verbal, psychological, [and] even economical abuse," ani Topacio sa ulat ni Nelson Canlas sa “Balitanghali.” Gayundin, bagama't emosyonal, nagbigay ng maikling panayam ang aktres sa naturang report. Wika ni Claudine, "Wala akong intensyon na sirain ang pagkatao ng asawa ko. I just want to protect my children and myself." Ayon pa sa kampo ni Claudine, isa raw sa mga nagtulak sa kanya na humiling ng TPO sa Marikina Regional Trial Court ay dahil sa umano'y mapanirang pahayag ng mga kamag-anak ni Raymart sa social media na talaga naman daw nakasakit ng kanyang damdamin at sa mga anak niya. "Kaya nga humatong sa ganito. Kaya iwan ko na lang ito sa korte lahat," ani Claudine.

Reaksyon ng kampo ni Claudine
 
Nagpadala naman ng bagong pahayag si Atty. Topacio nitong Martes, Hulyo 30.
 
Narito ang nilalaman ng kanyang pahayag na ipinadala sa GMA News:
 
“Mr. Raymart Santiago has said in a statement that my client, Ms. Claudine Barretto, is ‘capable of making up stories.’
 
“We find that statement to be very funny, coming from a man whose very foundations for his enticements for Ms. Barretto to enter into marriage with him are based on stories concocted by him, and bolstered by layer upon layer of more untruths, as we shall prove in a separate case. The deceptions by Mr. Santiago may even constitute criminal offenses.
 
“The allegations of Ms. Barretto are based on solid evidence of all kinds and nature. We are looking forward to seeing Mr. Santiago in court, so that, once and for all, it may determine who is telling the truth.”  Mac Macapendeg/KBK/FRJ/KG, GMA News