ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Diva Montelaba, paghahandaan ang pagsali sa Miss World Philippines


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bago nakilala ang Cebuana beauty na si Diva Montelaba sa Kapuso reality talent-search show na StarStruck, naging libangan na ng aktres ang pagsali sa mga beauty pageant sa Cebu City.   Kaya naman hindi na baguhan si Diva pagdating sa paliksahan ng ganda at talino.   "I join beauty pageants almost every week sa Cebu, kahit saan na may contest sumasali ako. So I wouldn't consider myself as a beginner because modesty aside, I know how to handle things pero it's not just that anymore," pahayag ni Diva sa ginanap na blog conference kamakailan ng Kapuso series na Maghihintay Pa Rin.   Napabalita kamakailan na tumanggi ang aktres ang mag-pose para sa isang men's magazine dahil plano nitong sumali sa Miss World Philippines. Pero hindi naman siya nakasama sa mga kalahok para sa nabanggit na pageant ngayong taon.   Ayon sa aktres, hindi pa siya handa na sumabak sa prestihiyosong beauty contest. Nais daw ni Diva na puspusan ang gagawin niyang paghahanda rito upang matiyak na mapapanalunan niya ang korona.   Paliwanag pa ni Diva, "Basically I wasn't prepared for it. Nagulat na lang ako and I didn't know na it started screening na pala. I didn't know na it's open for auditions. I really believed talaga na joining a prestigious pageant is something that you should be ready for."   Bukod dito, nais din ni Diva na masiguro na may laban siya kapag sumabak sa isang kompetisyon.   "It's not like I wanna join— even if hindi ka sure na ready ka na or hindi kasi once in a lifetime opportunity so better if you'll join for the first time na you're ready and grab the crown— that's better," aniya. "But if you're not ready and you just wanna join because you want to, it's not gonna work for me. That's not how I do it."   Isa rin sa mga pumigil sa kanya sa pagsali ngayon sa pageant ay ang kanyang trabaho sa telebisyon. Kasalukuyang napapanood si Diva sa GMA Afternoon Prime soap na Maghihintay Pa Rin, sa Sunday variety show na Sunday All Stars, at mga mall show at out-of-town shows ng GMA.   "This time around, I'm not yet ready and I'm doing a soap so I assume na if you join a beauty pageant, you should set aside other things that you do in TV and I'm not ready to do it," paliwanag niya.   "I love acting so bad and given a chance to do a show right now, I'm gonna focus on the show now," dagdag ni Diva.   Handa rin si Diva na sumali sa mga workshop at magkaroon ng puspusang training para lubos na mapaghandaan ang pagsali sa beauty pageant.   Samantala, bukod sa makoronahan bilang Miss World of the Philippines, pangarap din ni Diva na makilala bilang "Victoria's Secret Model."   Ilan sa mga kilalang modelo ng Victoria's Secret ay sina Giselle Bunchen, Tyra Banks, Adriana Lima, Alessandra Ambrosio, at Miranda Kerr. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News