Band singer Chito Miranda, humingi ng paumanhin sa na-leak na 'private' video nila ng girlfriend
Isang post sa Instragram account ng vocalist ng 'Parokya ni Edgar' na si Chito Miranda ang nakakuha kaagad ng pansin sa kanyang mga follower tungkol sa paghingi nito ng paumanhin tungkol sa na-leak na 'private' video nila ng girlfriend na isang aktres.
"We are truly saddened by the fact na may nag-leak na private video of me and my girlfriend, Neri Naig," pahayag sa post ni Chito.
"Humihingi po ako ng paumanhin sa mga pamilya namin for this unfortunate incident. Thank you for your prayers," dagdag pa niya.
Hindi ipinaliwanag ni Chito kung ano ang tinutukoy niyang "private" video. Pero ilan sa mga naglagay ng comment sa kanyang post ang nagsabing nakita nila ito sa Facebook at inilarawan na "malaswa."
Sa kabila nito, umani pa rin ng suporta at paghanga si Chito sa kanyang mga follower dahil sa ginawa nitong pagtatapat at paghingi ng paumanhin.
Sa hiwalay na post ni Chito sa kanyang Twitter account, ipinaliwanag nito na ninakaw ang kanilang hard drive sa bahay.
Thanks for all your prayers and encouraging messages. Our hard drive was stolen from our room in our house along with several other stuff...
— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) August 3, 2013
"Thanks for all your prayers and encouraging messages. Our hard drive was stolen from our room in our house along with several other stuff...," ayon sa singer. — FRJimenez, GMA News