ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice, hindi ipinaalam sa ina ang pagsasadula ng kanyang buhay sa 'Magpakailanman'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa Sabado, August 10, mapapanood ang The Charice Pempengco Story sa top-rating anthology na Magpakailanman. Mismong si Charice ang gaganap sa naturang episode kung saan ipakikita ang mga pinagdaanan niya bago at pagkatapos niyang aminin ang kanyang tunay na gender preference.   Sa nakaraang panayam ng Startalk TX, ikinuwento ng Pinay international singer ang mga dapat abangan ng viewers sa naturang episode, at pati na rin ang good news sa kanyang fans. "Ito kasi yung [bahagi ng buhay ko] na andaming mga bagay-bagay na talagang hindi nila alam, na malalaman nila dito sa story na 'to. Kumbaga mga pinagdaanan ko, mga pinagdaanan namin ni Alyssa, mga pinagdaanan ng family ko," ayon kay Charice. Dagdag pa niya, "Gusto ko kasing ipakita sa kanila na ito yung nararamdaman ko nung time na andami-daming bumabatikos sa akin, nung time na jina-judge nila ako. We wanted it to be balance. Wala naman kaming intensyon na ipalabas na kahit anong magiging controversy or anything. Basta lahat ng ilalabas namin dito sa Magpakailanman, totoo." Inamin din ni Charice na hindi niya ipinaalam sa kanyang mommy ang pagsasadula ng kanyang buhay.   "Siyempre ang hirap magpaalam because I know she'll say 'No.' But I know it will be fine. Sa akin, ilalabas lang naman 'tong istorya na 'to hindi dahil gusto kong ilabas kung ano ang naging opinyon ni Mommy, hindi dahil gusto kong ilabas kung ano ang naging opinyon ni Alyssa. Gusto kong ilabas na ito ang nangyari sa akin, ito yung nararamdaman ko, kung ano ang naging journey ko while nag-lie low ako, nanahimik ako. Para rin ito sa fans ko," paliwanag niya. Sinabi pa ni Charice na maging ang love story nila ng kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano ay mapapanood sa naturang episode.   "Medyo magfo-focus din 'to sa love story namin ni Alyssa. Para maiba naman di ba? Although siyempre nandoon pa rin ang journey ko as an artist, sa career and everything," patuloy niya. Ibinalita rin ni Charice ang iba pang mga plano niya in her career, kabilang na ang pagkakaroon ng bagong album.   "Pupunta po ako sa Chicago to sing the national anthem for an event, then Germany, then go back here to release my album. Busy pero blessed kasi alam ko hinihintay din ito ng mga fans ko," dagdag niya. Abangan ang "The Charice Pempengco Story" sa Magpakailanman sa darating na Sabado, August 10, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko. - GMANetwork.com
Tags: charice