ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chito Miranda sa kanyang gf na si Neri Naig: 'I love her very much'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagtanggol ni "Parokya ni Edgar" vocalist Chito Miranda ang kasintahang si Neri Naig sa mga basherkaugnay sa kumalat na "private video" nila kamakailan.   Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Chito na: "I don't really care what other people think or say about me (opinion nila yan eh...and I respect that), but i do care about what they say about my girlfriend."   Tinanong din ni Chito ang mga taong pumupuna sa kanyang nobya tungkol sa usapin ng moralidad. "What do you do on your spare time aside from bashing helpless girls on the internet?," ayon kay Chito. "Whatever it is, i honestly hope it makes you happy."   Una rito, lumabas sa internet ang "private video" nina Chito at Neri matapos umanong nakawin ang hard drive ng musikero.   Basahin: Magse-share at magkakalat ng 'private' video at photos nina Chito Miranda at Neri Naig, pwede ring makulong   Giit pa ni Chito sa kanyang post: "Me and my girlfriend are NOT saints obviously (me, being very far from it), but she is a good person and those who really know her, know that she is."   Ipinaalam din nito ang labis na pagmamahal niya sa kanyang nobya na inilarawan niya na isang mabuting tao. Hindi man umano ito sikat na artista, may mga bagay naman daw itong ginagawa na nakatutulong sa iba tulad ng pagbisita sa mga aeta community.   "Sa lahat ng mga open-minded na tao na patuloy na nag pakita ng respeto at pagmamahal sa amin ni Neri, regardless of what we are going through, maraming maraming salamat po," pagtatapos nito. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News  

Tags: chito, miranda