We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa darating na Sabado, Aug. 31, tunghayan sa Magpakailanman ang kuwento ng buhay ng Eat Bulaga! grand winner ng "Super Sireyna: Queen of Queens" na si Francine Garcia. Mismong si Francine ang gaganap sa kanyang life story na tatalakayin ni Tita Mel Tiangco. Tuklasin ang mga pangarap ni Francine, ang mga pangyayari sa kaniyang buhay na humubog at nagtulak sa kaniya para maging isang "Super Sireyna." Paano nga ba tinanggap ng kaniyang pamilya ang pinili niyang landas? Ang kaniyang desisyon na maging isang tunay na babae? At anu-ano ang kaniyang pinagdaanan bago niya nakamit ang tagumpay sa sinalihang beauty contest ng Eat Bulaga!? Makakasama ni Francine sa kabanatang "Ang Unang Lipad ni Super Sireyna: The Francine Garcia Story," sina Rita Avila, Jordan Herrera, at Boy 2 Quizon. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Maryo J. delos Reyes, sa panulat ni Senedy H. Que, at base sa pananaliksik ni Angel Lauño. -- GMANetwork.com