ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ryzza Mae at Bimby, magsasama sa isang pelikula kasama si Vic Sotto
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Updated 4:59 p.m.) Magsasama sa isang pelikula na pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na "My Little Bossings" ang "Aling Maliit" na si Ryzza Mae Dizon at ang anak ni Kris Aquino na si Bimby.
Ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Lunes, nagkasama ang dalawa noong Linggo para sa isang pictorial.
Gayundin, sa mga video at litrato ng itinaguriang "Queen of all Media" na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account, makikitang parehong excited ang dalawang batang aktor sa kanilang bagong proyekto.
Bibida sina Ryzza Mae, 6, at Bimby, 8, sa naturang MMFF film kasama ang aktor na si Vic Sotto, Aiza Seguerra at Kris, na magsisilbing producer ng palabas.
Ryzza Mae Show
Ryzza Mae Show
Sa "Ryzza Mae Show" na umere nitong Lunes, nabanggit ni Bimby at Kris na matapang si Ryzza dahil kinaya nitong bumida bilang host sa kanyang palabas nang mag-isa.
Samantala, nabanggit din ni Kris nang makita nito ang litrato ng isang padyak na sasakay sina Bimby at Ryzza rito para sa naturang pelikula.
Hindi pa raw nasubukan ni Bimby na sumakay sa padyak at sinigurado naman ni Ryzza na masayang sumakay doon.
Wika pa ni Kris, isa raw sa mga layunin nito na maging magaling na si Bimby sa wikang Filipino gayundin naman si Ryzza sa Ingles pagkatapos ng kanilang palabas.
Bukod pa rito, tinuruan naman ni Ryzza Mae si Bimby kung paano umarte. Sa naturang eksena, magkapatid silang dalawa na hinahanap ang kanilang nawawalang nanay (Kris) sa nakakatakot na dilim.
Sinabi rin ni Ryzza na dapat galingan nila ni Bimby ang pag-arte para sa kanilang pagbibidahang pelikula. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: ryzzamaedizon, bimbyyap
More Videos
Most Popular