Sex video umano ni Wally Bayola at isang dancer, kumalat sa internet
Matapos sina Chito Miranda at girlfriend nito na si Neri Naig, may panibagong celebrity sex video ang kumalat sa internet nitong Lunes. Batay sa sex video at mga screen grab na naka-upload sa Facebook at Youtube, lumilitaw na ang mga sangkot sa bagong iskandalo ay kamukha ng komedyanteng si Wally Bayola at isang dancer. Basahin: Chito Miranda defends girlfriend Neri Naig from bashers Sa kasalukuyan, wala pang ginagawang pangtanggi o pag-amin ang kampo ni Wally at ng sinasabing dancer na nagngangalang Yosh kung sila nga o hindi ang nasa sex video. Sa kabila nito, patuloy naman ang pagkalat nito sa iba't ibang social networking sites ang video na umaani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Wally Bayola or not, he's still the funny Wally we know. Still a funny and good performer. #WallyBayola
— DJ MD (@djmichaeldennis) September 3, 2013
Sorry,i just wont even bother clicking the wally bayola scandal... Out of respect .. #ricochismoso thanks — RICO ROBLES (@ricorobles) September 2, 2013
Samantala, humingi ng reaksyon ang GMA News Online kina Wally, Yosh, at sa EB production sa pamamagitan ng text message na ipinadala kay TAPE Inc. Senior Vice President at COO Malou Choa-Fagar, ngunit tanging "none" lamang ang kaniyang naging tugon. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroong asawa at limang anak ang kilalang komedyante. Nitong nakaraang Mayo, nalagay sa panganib ang buhay ni Wally nang maaksidente sa kanyang motorsiklo sa Antipolo, Rizal. Natutukso Sa isang ulat noong 2012, hindi itinago ni Wally na may pagkakataon na natutukso siya sa babae kahit noong miyembro pa siya ng isang banda. Pero bilang lalaki, naiintindihan din naman daw ng asawa niya ang bagay na ito. Ayon kay Wally, "Noong hindi pa naman po ako nag-aartista, sabihin natin na galing ako sa banda. Gabi-gabing gig. "Meron din naman po, pero depende rin naman po kung papatulan ninyo o hindi." May pinatulan na ba siya? "Opo, nangyayari po," pag-amin ni Wally sa ulat na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News"@brycruz07: From Hayden Kho to Chito Miranda to WALLY BAYOLA?! OMFG! What's happening to the Philippines?!?! Hahaha" — Diyeydi Indacave (@jadysalonga) September 3, 2013