advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Miss World Pageant 2013, mapapanood sa GMA-7 sa Sabado ng gabi


Mapapanood sa GMA-7 sa Sabado, Sept. 28, ang pinakaaabangang grand coronation night ng Miss World Pageant 2013 na gaganapin sa Bali Nusa Dua Convention Center sa Bali, Indonesia.
 
Ang "Starstruck" alumna na si Miss World Philippines Megan Lynne Young ang kakatawan sa Pilipinas, at makikipagpaligsahan sa 131 iba pang kandidata mula sa iba't ibang bansa.
 
Kabilang si Megan sa mga kandidata na paboritong manalo sa kompetisyon dahil na rin sa kaniyang pangingibabaw sa idinaos na Beach Fashion Challenge at Top Model Event, kung saan inirampa nila ang ilang obrang damit ng mga Indonesian designers. 
 
Bukod dito, sinasabing lumutang din ang kagandahan at talento ni Megan sa Beauty with a Purpose portion ng pageant, at makakasama pa sa production number na Dances of the World.
 
Kabilang naman sa magiging presenters sa event si Miss World 2011 First Princess Gwendoline Ruais.
 
Panoorin kung maiuuwi na ni Megan Young ang mailap na korona ng Miss World sa GMA-7 sa Sabado, sa ganap na 10:30pm pagkatapo ng Celebrity Bluff. -- FRJimenez, GMA News
 
LOADING CONTENT