ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Lauren Young, may ipinayo sa kaniyang ate Megan na lalaban sa Miss World crown
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa ginanap na 18th birthday celebration ng Kapuso actress na si Rita De Guzman nitong Huwebes, present si Lauren Young at nagkaroon ng pagkakataon ang GMANetwork.com na tanungin siya tungkol sa Miss World competition ng kaniyang ate na si Megan Young.
Sabi ni Lauren, na 5:00 a.m. sa Biyernes ang flight ng kaniyang pamilya papuntang Bali, Indonesia para suportahan ang kapatid.
Pero hindi raw naging madali ang pag-aayos nila ng mga papeles para makapunta roon.
“In the process of getting everything, sobrang hirap. Like me and my brother, we didn’t have our passports. And then parang nagka-problem pa kami sa tickets for the airplane and tickets for the actual contest of Miss World,” kwento niya.
Basahin: Megan Young's alleged topless photos draw controversy a day before Miss World 2013
Dagdag pa ni Lauren, inakala nila na hindi na sila makakapunta sa Bali dahil halos eight hours na lang kasi bago ang kanilang flight nang na-approve ang kanilang tickets.
“Feeling namin, it’s a sign that we’re really meant to be there in Bali to support my sister,” ayon sa Kapuso actress.
Nang tanungin naman si Lauren kung may communication sila ng kapatid, tugon ni Lauren: “Yes, we talk every day. Well, ang alam ko lang she’s roommate with Miss Japan. They’ve just been going around and they had tree planting.”
Natutuwa raw si Lauren dahil sa tuwing nakakausap nila si Megan, wala raw itong reklamo. Kahit lagi raw sinasabi ng kapatid na pagod na pagod daw ito at halos walang tulog, nararamdaman daw nila na nag-eenjoy ang kapatid sa nasabing competition.
Malaki na nga raw ang pinagbago ni Megan ayon sa kapatid.
“Sabi ko nga, girl, mukha ka na talagang beauty queen! Bakit ganoon? Anyare? Hindi ka na ate ko! Ibang iba eh. The way she dresses up, pag-aayos niya, ‘yong makeup, everything! Even the way she talks, super different from before,” lahad ni Lauren.
Ibinilin daw ni Megan kay Lauren na bitbitin ang isa sa mga dress at mga alahas nito. Nang tanungin naman kung may lucky charm ba’ng ipinapadala sa kanila, birong sagot ni Lauren:
“Kami na ‘yon! ‘Wag na siyang choosy!.”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lauren na kasali sa Miss World competition ang kapatid niya.
“Parang inisip ko lang dati ‘yong ate ko, pa-pose pose, pero ngayon parang every time na nakikita ko siya may suot siyang korona na parang royal! It’s a good feeling but I’m also very very scared for her,” pahayag ni Lauren.
Umaasa naman si Lauren na win or lose ay matanggap pa rin ng mga tao ang kaniyang ate.
At sakaling palarin na manalo si Megan, matagal daw nilang hindi makikita ang kaniyang kapatid dahil doon na muna ito titira sa London.
“Actually they will go home for a week and then they’ve got to fly out. And they will go all over the world helping out and just trying to make the world a better place. But okay lang kahit hindi ko siya makita, as long as I know na she’s changing the world for the better,” sabi ni Lauren.
“Beauty with purpose,” ito raw ang slogan na pinaghuhugutan ngayon ni Megan, ayon kay Lauren.
“She knows she wants to give back any way she can. And sabi ko, just because you didn’t win, it doesn’t mean that you have to stop acting like a beauty queen and you have to stop giving. Do it any way possible that you can,” payo niya sa kapatid.
Sobrang excited na raw si Lauren sa competition sa Sabado at nang tanungin kung ano ang preparations niya sa big event sa Bali, ayon kay Lauren: “Hindi na’ko maghi-heels para makatalon ako!.”
Abangan kung maiuuwi ni Miss World Philippines Megan Young ang korona sa telecast ng Miss World 2013 sa Sabado, September 28, 10:30 ng gabi sa GMA Channel 7.- Al Kendrick Noguera, Bochic Estrada, GMANetwork.com
More Videos
Most Popular