ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lauren Young at netizens, masaya sa pagkakapanalo ni Megan sa Miss World 2013


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Puno ng saya ang "Dormitoryo" ng actress na si Lauren Young sa pagkapanalo ng kanyang nakatatandang kapatid na si Megan Lynne Young sa katatapos na 2013 Miss World nitong Linggo sa Bali, Indonesia.

"It's such a good feeling! Everything is so surreal na kami naman kasi, we went here not knowing na mananalo si Megan — parang bonus na lang yun. We just came here talaga because we wanted her to know na nandito kaming kaibigan at pamilya niya sinusuportahan siya," pahayag ng aktres sa panayam ni Lia Mañalac del Castillo sa "News TV Live."

"Tapos yong kakapanalo niya pa lang ng Miss World Philippines, tapos ngayon naman siya ang Miss World 2013 — parang hindi ako makapaniwala na my sister is part of it, she won it and this is all happening, not just to her but to every Filipino na it's making history in the beauty pageant world," dagdag nito.

Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia si Lauren kasama ang kanyang pamilya bilang suporta kay Megan. Ang actress-turned-beauty-queen ang kauna-unahang Filipina na kinoronahan sa Miss World mula nang sumali ang bansa noong 1966.

Ayon pa kay Lauren, wala pang kasiguraduhan kung makababalik agad ang aktres sa bansa dahil sa mga bago nitong tungkulin bilang international beauty queen.

"Hindi niya alam kung makakauwi siya ng Philippines, baka kailangan niya dumiretso ng London... Pero sana makauwi siya para ma-welcome siya ng mga kababayan natin," ayon kay Lauren.

Best friend ni Megan Young

Bukod sa kapatid na si Lauren, masaya rin ang best friend ni Megan na si Erin Mason Tagudin sa pagkakapanalo ng kaibigan sa prestihiyosong beauty pageant.

Mensahe pa nito para sa kaibigan, "We're very happy for you and hopefully, sana this time around makita mo na there's a big world out there and you'll do great and you spread your kindness. Sana you make history around the world."

Ayon pa kay Erin, matagal na umanong pangarap ni Megan ang maging beauty queen at sa katunayan, sumasali pa raw ito sa beauty pageants sa Olongapo City, ang lugar na kinalakihan ni 2013 Miss World.

Pag-alala pa nito, "I think it's like an achievement, like a goal and hindi niya talaga ini-expect na magiging beauty queen siya kasi there's more na she wanna be a great actress, she wanna be a great host... travel the world."

Dagdga pa niya, "Nong bata pa lang siya nagjo-join siya ng mga beauty contest sa Olongapo and I don't think ini-expect niya na magiging international beauty queen siya."

Bukod sa mga malalapit na tao sa buhay ni Megan, masaya rin ang ilang netizens sa pagkakapanalo ng bagong Piany beauty queen.


— Mac Macapendeg /LBG, GMA News