ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Isa pang celebrity couple, break na rin?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Rumors about Angel Locsin and Phil Younghusband breaking up surfaced yesterday on the Internet. However, the camps of both parties neither confirm nor deny the report. PHOTO: GRABBED FROM PHIL YOUNGHUSBAND IG (@PHILIPYOUNGHUSBAND)
Matapos mapabalita ang breakup nina Jennylyn Mercado at Luis Manzano, isa namang celebrity couple ang hinihinalang hiwalay na rin dahil sa kawalan ng update tungkol sa kanilang love life sa kani-kanilang social networking sites.
Matatandaan na ang kawalan ng updates tungkol sa status ng kanilang love life gaya ng mga larawan na magkasama at sweet messages sa kani-kanilang Twitter at Instagram accounts ang nagbigay sa kanilang mga follower ng hinala na break na sina Luis at Jennylyn.
Basahin: Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed
Sa ulat ni Nerisa Almo sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, ganito rin ang napansin sa kalagayan ng magkasintahang sina Angel Locsin at Phil Younghusband.
Gaya nina Luis at Jennylyn, wala pang opisyal na paglilinaw mula kina Angel at Phil tungkol sa hinalang tinapos na nila ang kanilang may isang taong relasyon.
Ayon sa ulat ng PEP, tikom din ang bibig ng talent managers ng dalawa tungkol sa isyu.
Sinabi umano ng talent manager ni Angel na si Ethel Ramos, wala siyang alam tungkol sa napapabalitang breakup ng kanyang alaga sa nobyong football star ng Azkal.
Halos ganito rin umano ang naging sagot ng manager ni Phil, na si Cathy Nazareno, na nagsabi sa pamamagitan ng text message na kadarating lang niya mula sa biyahe at hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng binata.
Wala ring anumang update pareho sina Angel at Phil tungkol sa relasyon nila sa kani-kanilang social media accounts.
Batay naman sa ulat ni Allan Diones, sa kanyang column sa Abante Tonite nitong Lunes, ang huling tweet ni Phil tungkol kay Angel ay noon pang September 7. Gayunman, larawan pa rin nila ni Phil ang nasa profile picture nito.
Samantala, ang huli namang post ni Angel tungkol kay Phil ay noong Agosto sa Instagram nang magdiwang ito ng kaarawan.
Sinabi ng PEP na bukas sila sa anumang paglilinaw na maaaring ibigay ng kampo nina Angel at Phil tungkol sa isyu. -- FRJ, GMA News
Tags: angelaquino, philyounghusband
More Videos
Most Popular